^

PSN Opinyon

Bakit pati sibilyan napapatay ng pulis?

SAPOL - Jarius Bondoc -

DAHIL ayaw pahalagahan ng Senado o Kamara ang pagka­kapatay ng pulis sa tatlong sibilyan sa shootout sa Parañaque, media ang pumupuno. Kahit paano, sa pagbatikos ng media sa pulis, makakakuha ng katarungan ang mga biktima.

Dalawang teorya ang isinusulong ngayon ng mga ko­mentarista. Una, ang Special Action Force ay sanay lang uma­nong makipagbakbakan sa mga komunistang gerilya o sepa­ratistang Moro. Sa gubat o bukid ang mga enku­wentro nila. Mala-militar ang mga palitan ng putok; kahit sino ang kumilos sa panig ng kalaban ay inaasinta. Bihira lang nagtitira ng bihag ang SAF. ‘Yan umano ang taglay na pag-iisip ng SAP operatives na isinabak sa operasyon kontra sa mga armadong mag­nanakaw sa siyudad. Napadaan lang ang van ng mag-amang Alfonso de Vera at edad-7 na Lea Alyanna sa gitna na putukan ng SAF at magnanakaw, pinaulanan na rin ng bala. Patay tuloy ang dalawa. Patay din si Ronald Eusebio, supervisor ng Skyway Corp. Napadaan lang din ang motorsiklo niya sa huma­habol na SAF sa mga magnanakaw, pinaputukan na. Kasi raw, anang heneral nila, nakaitim na helmet at jacket, kaya akala kalaban. Utak pambundok nga ang SAF kung gan’un.

Ikalawang teyorya, kulang umano sa pagsasanay ang SAF sa pagpapaputok. Dahil dito, takot daw sila mapa­sabak. At dahil sa takot, kahit sino at kahit ano’ng guma­galaw sa gitna ng bakbakan ay pinapuputukan. Kung may pusa na tumawid sa gitna ng labanan ng SAF at magnana­kaw, malamang ay nag­ kagutay-gutay sa tama ng bala ng pulis.

May sariling teorya ang pamunuan ng Philippine National Police. Anila nawalan kuno ng ground commander ang mga SAF nang gurlisan ng bala sa ulo ang colonel na ground commander. Dahil nawalan ng hepe, naging bara-bara umano ang kilos ng SAF. Kung sakali mang nagka­gan’un, ibig sabihin kulang sa training ang mas mababa­bang opisyales ng SAF.

* * *

Lumiham sa [email protected]

DAHIL

LEA ALYANNA

NAPADAAN

PATAY

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

RONALD EUSEBIO

SAF

SHY

SKYWAY CORP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with