^

PSN Opinyon

'Panlalapastangan!' (Huling bahagi)

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

ISANG maamong tupang abang lingkod ang nakita ng BITAG kay Department of Environment and Natural resources (DENR) Regional Executive Director Regidor De Leon nang dumating ito sa Bgy. Bolitok, Sta. Cruz Zambales.

Kasama ang kanyang mga niño bonitong tauhan, hu­marap ito sa taumbayan ng Bgy. Bolitok upang paking­gan ang kanilang mga reklamo. Aminado si De Leon na nagkulang ang kanilang tang­gapan dahil siya mismo, noong mga oras lang na iyon nalaman na may ganoong problemang nangyayari sa nasabing lugar.

Animo’y pulitiko itong nangangako na ipaparating raw niya kay DENR Sec. Lito Atienza ang kanilang mga kara­ingan, ipapatawag daw nila ang pamunuan ng DMCI upang ipaalam na sila’y nakakaperwisyo, at iba pa.

Subalit ang hinahanap ng BITAG at ng mamamayan ay ang kopya ng Environmental Compliance Certificate (ECC) na ibinigay ng DENR Region 3 mula sa tanggapan ng En-vironment Management Bureau ay hindi nila naipakita.

Ang ECC kasi ang nagbigay otoridad sa DMCI na pata­gin at tibagin ang bundok ng Bgy. Bolitok.

Sisilipin daw nila ito at iimbestigahan kung paanong hindi ito nalaman ng lokal na pamahalaan at ng barangay mismo.

Ang tanong hanggang kailan naman kaya ito? Hindi kaya maubos na ang bundok ng Bgy. Bolitok ay napako na ang iyong pangako Dir. De Leon?

Nakarating sa amin na nag-painterview ka pa raw sa isang lokal na channel ng telebisyon, ang TV36 kung saan sinabi mong “in-edit” lamang ng BITAG ang ipi­nalabas naming segment.

Sa tinatawag na TV Production, natural na iedit ang mga videos upang mapanood ito ng mga manonood sa tamang oras lamang. Subalit ang tunay na dahilan ng problema, reklamo, pang­yayari, sagutan ng dala­ wang panig at imbes­tigasyon ng BITAG ay hindi inedit lamang.

Kaya huwag mong pagtakpan ang kabulas­tugang ginagawa mo sa ipinapalabas namin sa BITAG dahil hindi puwe­deng ini-edit lang ang rek­lamo ng mga biktima.

Hinahamon ko kung sino man ang nag-iim­bes­­tiga o nag-iinterbyu sa TV 36 tungkol sa kasong ito na makipag-ugnayan sa amin dahil hindi kami magdadalawang isip na bigyan kayo ng kopya ng mga raw materials ng aming segment.

At para sa’yo Dir. De Leon, hindi pa tapos ang BITAG sa’yo. Nangako   ka sa harap ng aming camera na ipapakita mo ang ECC na ipinagkaloob ng inyong tanggapan sa DMCI.

Tututukan pa na­min kayo sa BITAG!

BGY

BITAG

BOLITOK

CRUZ ZAMBALES

DE LEON

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL

ENVIRONMENTAL COMPLIANCE CERTIFICATE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with