^

PSN Opinyon

Murang gamutan para sa sakit ng katawan

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong -

ITO ang pangkaraniwang problema ng karamihan: Kirot ng katawan, sakit sa ulo at kasu-kasuan. Ano ba ang solusyon dito?

1. Mainit o malamig na bag (hot or cold compress) – Para sa kirot ng kasu-kasuan, buto o likod, puwedeng gumamit ng mainit na bag at itapal ito sa masakit na parte ng katawan. Huwag naman sobrang init at baka mapaso ka. Katamtaman lang. Minsan pinagpapalit-palit ang mainit sa malamig, depende kung ano ang komportable sa pasyente.

Para sa nabugbog na parte, tulad ng ankle sprain o black eye, lagyan ito ng malamig na bag sa loob ng 24 oras para hindi lumaki ang pamamaga. Kahit sa mga kagat ng langgam o lamok, puwede rin ang malamig na bag (ice bag). Subukan ito.

2. Paracetamol – Akala ng iba ay para lang sa lagnat ang paracetamol. Mali po. Makababawas din ito sa kirot ng katawan, sakit ng ulo at kalamnan. Puwedeng uminom ng paracetamol kahit walang laman ang tiyan, ngunit mas mahina lang ang epekto nito kumpara sa mefenamic acid.

3. Mefenamic Acid — Para sa sakit ng katawan at pananakit ng laman, puwedeng uminom ng mefenamic acid 500 mg hanggang 3 beses sa isang araw. Mura lang ito at mabibili sa botika. Inumin lang ang tableta pagka­tapos kumain, para hindi humapdi ang tiyan.

4. Aspirin –— Katulad ng mefenamic acid, ang aspirin 325 mg ay mabisang lunas para sa migraine o sakit ng ulo. Halos pareho ang epekto nito sa mefenamic acid. Dito nanggaling ang kasabihan ng doktor, “Take 2 aspirins and call me in the morning.”

5. Tramadol —– Para sa matitinding kirot kung saan halos mapaiyak na ang pasyente, binibigyan namin sila ng Tramadol 50 mg. Malakas at mabisa ito.

6. Umiwas sa mama-ha­ling gamot – May mga doktor na nagrereseta ng mamahaling gamot para    sa kirot ng katawan. Ang tawag dito ay mga Coxibs at nagkakahalaga ng P100 bawat tableta.

Hindi ako naniniwala sa mga gamot na ito. Bukod sa mahal, ay mayroon ding pagsusuri   na nagsasabi na may masamang epekto ito sa puso.

At para makatipid, pu­wede kayong bumili sa Botika ng Bayan o Gene­ric’s Pharmacy. Mabisa    rin ang generics.

Tandaan lamang na kapag hindi nawala ang sakit ng inyong katawan, mas maiging kumunsulta na sa inyong doktor. Good luck!

* * *

(E-mail: [email protected])

ANO

BAYAN

BOTIKA

BUKOD

COXIBS

MEFENAMIC ACID

PARA

TRAMADOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with