^

PSN Opinyon

'Panlalapastangan!' (2)

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

LAKAS-loob at personal na pumunta sa BITAG si Engr. Alejandro Lazaro, Geodetic Engineer ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) Region III.

Dala-dala niya ang mga dokumento at retratong mag­­papatunay daw ng dahilan ng problema sa Bgy. Bolitok, Sta. Cruz Zambales.

Pasabog ni Engr. Lazaro, una niyang sinukat ang Lot # 5966 at Lot 5600 sa Bgy. Bolitok noong nakaraang taon kung saan ito ay bundok at bukid. Ito ay sa Regional Special Order na inilabas ng DENR Region 3.

Subalit pinapabago raw sa kanya ni DENR Region 3 Executive Director Regidor De Leon ang kanyang report at ideklara raw niya itong lubog sa dagat.

Hindi raw siya pumayag kung kaya sinuspinde at inalis siya sa payroll sa nasabing tanggapan.

At sa ikalawang survey report ng DENR Region 3    kung saan ipinadala naman ang isa pang geodetic engineer na si Fernando Clerigo, ang Lot 5966 at 5600 ay naka­­deklara ng formerly underwater.

Ito ang dahilan ng problema dahil sa deklarasyong ito, inari ng DMCI ang nasabing lupa. Dito, walang pakun­dangang tinibag at pinatag ang bundok na ginawa nilang patag na daan papunta sa dagat.

Hindi makukumpleto ang imbestigasyon ng BITAG    kung hindi namin makukuha ang panig ng dapat sana’y otoridad sa kasong ito, ang tanggapan ni Director Regidor De Leon ng DENR Region III.

Sa umpisa pa lamang ay malinaw pa sa sikat ng araw ang pakay ng BITAG sa kanya subalit iba ang ipinuputok ng butsi ng magaling na Director, aniya, nagpunta raw ang BITAG dahil sa sumbong ni Engr. La­zaro.

Ang aming inter- view, nauwi sa maini-tang kumprontasyon. Idinikdik ng BITAG sa kukote ni De Leon na mali ang pagbibigay    nila ng Environment Com­pliance Certificate o ECC at Temporary and Revocable Permit sa DMCI.

Ito ang nagpahin-tulot sa DMCI na lapas­tanganin ang bundok ng mga taga-Bgy. Bo­litok na wala namang pahintulot mula sa lokal na pamahalaan ng Sta. Cruz at sa Barangay Bolitok mismo.

Maging ang engi-neer na si Clerigo ay di nakaligtas sa imbes­tigasyon namin, hala­tang kabado siya at panay ang kuha ng senyas sa kanyang amo sa kanyang mga isa­sagot.

Winakasan namin ang umiinit na kum­-pron­tasyon sa isang hamon, magkita-kita kami sa Brgy. Bolitok nang personal na ma­rinig ni De Leon ang hi­naing ng naturang ko­munidad.

Katwiran niya kasi, hindi raw magtatrabaho ang kanyang mga tau­han ng hindi tama ang proseso kaya iniharap namin siya sa mama­mayan ng Bgy. Bolitok nang malaman niya   ang kapalpakan niya at ng kanyang mga tao!

Abangan ang huling bahagi…

ALEJANDRO LAZARO

BARANGAY BOLITOK

BGY

BOLITOK

CRUZ ZAMBALES

DE LEON

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with