^

PSN Opinyon

Emergency summit sa sitwasyon ng OFWs

DOKTORA NG MASA - Sen. Loi Ejercito Estrada -

KAILANGANG magpatawag ang pamahalaan ng emergency summit para tugunan ang mga nagaganap at iba pang mga posibleng maganap na malawakang tanggalan ng OFWs bunsod ng global financial crisis.

Ito ang iginiit ng aking panganay na anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada, chairman ng Senate Committee on Labor, Employment and Human Resources Development, at ng Joint Congressional Oversight Committee on Labor and Employment.

Nakaaalarma na ang nangyayaring retrenchment ng foreign-based companies dahil sa pagtamlay ng ekonomiya at negosyo sa kani-kanilang mga bansa, at libong OFWs na ang naapektuhan ng kaganapang ito. Kinumpirma na rin ng Department of Labor and Employment na ang layoff trend ay patuloy na tumataas.

Base sa datos, mahigit 1,000 OFWs na ang natanggal sa trabaho mula sa manufacturing industry sa Taiwan; 75 mula sa ship building industry ng Western Australia; 300 sa casino-hotel industry ng Macau, halos 100 sa hotel industry ng Italy; at 200 marinong Pinoy na rin ang nawalan na rin ng trabaho mula sa iba’t ibang dayuhang barko.

Ayon sa Asia Pacific Mission for Migrants (APMM) at Migrante International, napakaliit pa nga ng naturang government figures dahil ang totoo anila ay libu-libo nang OFWs ang natanggal sa trabaho dahil sa krisis. Marami na ring kompanya sa iba­yong dagat ang nag-anunsyo na magbabawas na rin sila ng mga emple­yado dahil nga matamlay naman ang ekonomiya.

Sabi ni Jinggoy, dapat aminin ng pamahalaan ang malubhang proble­mang ito, na nagbabadya nang mala­wakang pag-uwi ng libu-libong OFWs sa bansa pero baka hindi rin sila ma­ka­kuha agad ng trabaho rito.

Mungkahi ni Jinggoy na palahukin sa emergency summit ang mga kina­uukulang ahensiya ng pa­mahalaan, lokal at dayu­hang negosyante, at mga OFW group upang hana­pan ng solusyon ang prob­le­mang ito. Marami pa ring kom­panya sa ating bansa at sa ibayong dagat ang puwe­deng mapasu­kan ng mga OFW basta’t pursi­gidong tulungan lang sila ng pama­halaan sa skills upgrading at job-matching.

vuukle comment

ASIA PACIFIC MISSION

DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT

EMPLOYMENT AND HUMAN RESOURCES DEVELOPMENT

JINGGOY

JOINT CONGRESSIONAL OVERSIGHT COMMITTEE

LABOR AND EMPLOYMENT

MARAMI

MIGRANTE INTERNATIONAL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with