Panlalapastangan!

NILASPATANGAN! Eto ang sumbong sa BITAG ng mga mamamayan ng Brgy. Bolitok, Sta. Cruz Zambales.

Tatlong Linggo na ang nakakaraan ng makatanggap ang BITAG sa aming tanggapan ng isang liham mula kay Kapitan Nilo Angeles at mga residente ng Brgy. Bolitok.

Ayon sa kanilang liham, walang pakundangang tinibag at pinatag ang bundok sa kanilang lugar ng isang kumpanya ng minahan, ang DMCI.

Ang bundok na sinira ang siyang proteksiyon ng kanilang bayan laban sa malakas na hanging nagmumula sa South China Sea at pananggalang sa mga bagyong pumapasok sa ating bansa.

Nagulantang na lamang ang kanilang bayan, taong 2007 ng pumasok ang DMCI dala-dala ang tropa ng mga todo-unipormadong Cafgu’s.

Sapilitan umano silang pinalayas sa bundok na pinag­tataniman nila ng kamoteng kahoy at halaman bilang kani­lang pagkain. At ang mga trabahador na mangga­ga­wa ng katabi ng bundok, tinutukan at pinaalis din.

Ang siste, nawalan ng trabaho ang mga taga- Brgy. Boli­tok at malaking pinsala ang inabot ng kanilang lugar ng manalanta ang bagyong Cosme nitong taon lamang.

Balot ngayon ng takot ang kanilang lugar dahil sa mga Cafgu’s na ginawang private guards ng DMCI at ipinag-ba­bawal ang ganitong uri ng paninilbihan.

Tanging mga blue o private guards lamang ang maa­ring gamitin bilang taga-bantay o taga-pangalaga ng mga pri­ba­dong kumpanya.

Malaking katanungan rin para kay Kapitan Angeles at kanyang mga residente kung paano nakakuha ng Environment Compliance Certificate o ECC ang DMCI para tibagin at sirain ang nasabing bundok.

Ayon sa Department of Environment and Natural   Resources, kinakailangan munang magbigay ng kurti- siya (courtesy) sa local na pamahalaan at barangay bago ma­ka­kuha ng ECC na nagbibigay pahintulot na sirain ang isang likas na yaman tulad ng bundok.

Ito ay upang malaman kung magiging apektado o may masamang maidu­dulot ba ang paggalaw sa isang likas na yaman sa komunidad na nakakasa­kop dito.

Subalit hindi ito ginawa ng DMCI kung kaya’t ang resulta ng kanilang panlala­pastangan sa bundok sa Brgy. Bolitok, perwisyo at pa­hirap sa mga residente nito.

Makalipas ang isang linggo matapos tunguhin ng BITAG ang lugar at ma­kumpirma naming totoo ang sumbong ng nasabing bayan, dumating sa aming tanggapan ang isang geodetic engineer ng DENR region 3.

Dito, ibinulgar niya sa amin ang dahilan at kasa­gutan ng problema’t kagu-lu­han na nangyayari sa Brgy. Bolitok Zambales…

Abangan ang ikala-wang bahagi.

Show comments