Babala sa mga kukuha ng trabahador sa bahay
MAG-INGAT sa pagkuha ng trabahador sa inyong mga tahanan mga suki! Kahit na mismong kamag-anak pa ninyo kung minsan ay huwag ninyong payagang galu garin ang inyong tahanan upang maiwasan ang kapahamakan. Nagbunsod ang babalang ito ng aking mapag-alaman na ang karumal-dumal na pagpatay sa mag-inang Milagros at Yuichi Garduque ay gawa ng kamag-anak pa mismo niya.
Noong nakaraang Huwebes, nagulantang ang Pa-rañaque City sa natuklasang karumal-dumal na pagpatay sa mag-ina sa loob ng kanilang tahanan sa #7 Road-9 D, United Parañaque 5 Subdivision.
Natagpuan si Milagros sa loob ng bodega sa bandang ilalim ng hagdanan ng kanilang tahanan na puro pasa sanhi ng pagpalo nito ng matigas na bagay sa ulo bago pinatay sa pamamagitan ng pagbigti ng pulang tela.
Ang anak nitong si Yuichi, 8, ay nakitang nakataob sa kanilang kuwarto na nakatali ang mga kamay ng alambre at may nakapulupot na kordon ng electric fan sa leeg.
Bakas sa mga ito ang sobrang pahirap ng mga salarin bago sila patayin. Wala ring nakakitang tao na lumabas sa naturang tahanan ng hapong iyon. Natuklasan lamang ang krimen nang may dumating na dalawang Police Las Piñas na kaibigan ng boyfriend ni Milagros.
Sa tulong ng kapulisan ng presinto-4 at mga barangay kagawad ay nabuksan ang tahanan ng mag-ina at doon natuklasan na mga patay na ang mag ito. Kaagad na nag-sagawa ng imbestigasyon ang mga tauhan ni Supt. Alfredo Valdez at dito nila natuklasan na magulo ang mga kabinet ng mag-ina kaya nabuo ang hinala na pagnanakaw ang motibo.
Minalas na mamataan si Benedicto Gordo, kamag-anak ng mga biktima na aali-aligid sa naturang lugar kaya kaagad siyang inim- bitahan sa presinto. Paiba-iba ang naging statement nito sa mga imbestigador pero umamin din ito at itinuro pa ang tatlo niyang kasamahan. Agad na naaresto sina Jovanee Escosa at Reynaldo Bantilan sa pinagtataguan nito sa Lico St., Sta Cruz, Manila ngunit bigong mahuli si Eddie Montero na kamag-anak din ni Gordo.
Nabawi naman ang mga alahas kabilang ang isang relong Rolex na kung susumahin ay aabot sa P1 milyon ang halaga. Nakuha rin sa mga ito ang natitirang P21,000.00 perang pinaghati-hatian. At nang iharap kay Mayor Florencio “Jun” Bernabe ang mga ito ay umaming halinhinan nilang ginahasa si Milagros bago patayin.
Abot-langit ang pagsisisi ng mga ito dahil alam nila na mabubulok na sila sa kulungan. Ngunit huli na ang pagsisisi. Ang dapat sa mga ito ay bitayin upang hindi na pamarisan.
Maituturing nang solve ang kaso bagamat hinahanting pa ng mga pulis si Montero. Sana ay maging leksyon sa lahat ang pangyayaring ito para mag-ingat sa pagkuha ng mga trabahador na kukumpuni sa inyong mga tahanan.
Lagi ninyong isaisip mga suki na kulang na kulang ang ating kapu lisan upang mangangalaga sa inyong buhay. Kaya bawat isa sa atin ay matutong mag-ingat.
Congratulation Supt. Valdez at sa masisi- pag mong tauhan, he-he-he!
- Latest
- Trending