^

PSN Opinyon

Mike Velarde naninimbang

- Roy Señeres -

MAGALING talaga si Mariano Z. Velarde alias “Brother Mike” kung kumapa ng damdamin ng masang Pilipino. Alam nya marahil na galit na galit ang taumbayan sa mga kongresista na nagbasura ng impeachment complaint laban kay Mrs. Gloria Macapagal Arroyo. Kasama kasi yung anak niya na si Rene Velarde sa 42 bumasura sa naturang impeachment complaint.

Sa takot niya na baka mapasama ang anak na masa­sagasaan ng galit ng taumbayan, ito na siya, anti-Cha-cha na siya kuno ngayon. Isasama raw niya sa kalye ang milyun-milyun daw niyang mga followers na halos sunud-sunuran lang sa kanya.

Ano na naman kaya ang gagawin niyang gimmick    para mapapaniwala niya ang mga dumadalo sa prayer meeting nya? Malamang sasabihin niya na sumama sila sa kanya sa kalye para contra Cha-cha at pag-uwi nila   sa bahay, tatanggap na sila ng kung anu-anong mga milagro.

Baka idagdag pa niya na sila ay bibiyayaan ni Jesu­Kristo ng mga passport at visa para sila makapag-abroad, ang mga mister nilang lasenggo di na iinom, at ang mga misis nilang kaiba ang ugali ay magiging mabait na sa kanila.

Brother Mike, hinay-hinay ka lang. Ang plunder case mo sa Korte Suprema baka biglang umusad. Baka putak­tihin ka ng mga taga-BIR at baka ma-foreclose ang mga condominium mo ng Pag-IBIG.

Alam kaya ni Brother Mike ang kanyang ginagawa? Hindi kaya medyo masama ang timing niya, dahil kung kailan pa lumabas at tumutol sa Cha-cha si Cardinal Gau­dencio Rosales, saka pa lang siya nagsalita?

Baka naman nakiki­bagay lang siya sa simbahan dahil nala­man niyang medyo na­halata na rin ng ibang Obispo na taliwas ang iba niyang mga itinu-turo sa mga turo ng  sim­bahang Katoliko? Mukhang naninimbang nga siya sa simbahan at sa gobyerno.

vuukle comment

ALAM

BROTHER MIKE

CARDINAL GAU

KORTE SUPREMA

MARIANO Z

MRS. GLORIA MACAPAGAL ARROYO

NIYA

RENE VELARDE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with