^

PSN Opinyon

Happy anniversary sa DoLE; Happy b-day Sec. Nitoy Roque!

DOKTORA NG MASA - Sen. Loi Ejercito Estrada -

AKO, si Presidente Erap at ang aming panganay na anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Es­trada ay nagpupugay sa Department of Labor and Employ­ment sa pagdiriwang nito ng ika-75 anibersaryo sa Dis­ yembre 8, 2008, gayundin kay Labor Secretary Marianito “Nitoy” Roque na kaarawan naman sa naturang petsa.

Si Jinggoy, chairman ng Senate Committee on Labor­, Employment and Human Resources Development at ng joint Congressional Oversight Committee on Labor and Employment, ay katuwang ng DoLE sa pagsusulong ng interes ng mga manggagawang Pilipino.

May temang “A Celebration of Commitment to Service,” ang diamond anniversary ng DoLE ay nagpapa­tingkad sa naging papel ng ahensyang ito sa mga manggagawa at sa kabuuan ng ating lipunan mula nang itinatag ito noong 1933.

Malinaw ang mandate ng DoLE na “promotion of gainful employment opportunities, developing human resources, maintaining industrial peace and promoting the welfare of Filipino workers.”

Alinsunod sa mandate, responsibilidad ng ahensya na asistehan at isulong ang kapakanan ng humigit-kumu­lang na 37.3 million-strong labor force sa bansa, gayun­din ang halos walong milyong overseas Filipino workers (OFWs) na naka-deploy sa mahigit 190 destination-countries­.

Isa sa malalaking hamon sa ahensiya ay ang pagpapatupad ng mahu­say na “reintegration program” sa mga nagre­retirong OFWs at iba pang umuuwi bunsod ng iba’t ibang dahilan laluna sa harap ng mala­wakang layoff o tangga­lan sa trabaho sa iba­yong-dagat sanhi ng pan­daigdigang krisis sa pa­nanalapi at pagtamlay ng ekonomiya.

Kailangang panguna­han ng ahensiyang ito ang pagtulong sa mga magi­ging ex-OFW upang ma­ka­pagpundar sila ng sa­riling negosyo o kaya ay makahanap ng ibang trabaho.

Marami ang umaasa sa DoLE, partikular sa kasalukuyang pamumuno ni Secretary Roque, para malampasan ng ating mga kababayan ang epekto ng krisis.

Kailangan pa rin siyem­preng harapin ng DoLE ang kondisyon sa mga lokal na industriya, laluna yung mga tensiyon sa pagitan ng mga mang­gagawa at employer, at ang pagtitiyak ng kara­patan, kagalingan at ka­buuang pag-unlad ng mga obrero.

A CELEBRATION OF COMMITMENT

CONGRESSIONAL OVERSIGHT COMMITTEE

DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOY

EMPLOYMENT AND HUMAN RESOURCES DEVELOPMENT

LABOR AND EMPLOYMENT

LABOR SECRETARY MARIANITO

PRESIDENTE ERAP

SECRETARY ROQUE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with