NAGKAROON ng formal launching ang Media Pillar of the Philippines sa Campus Crusade for Christ Building sa Sct. Borromeo, Quezon City. The Holy Spirit did a marvelous work! Dumalo ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang sektor ng media gaya ng mga “Kapuso” ng GMA-7 at “Kapamilya” ng ABS-CBN. Spirit-filled fellowship and worship ang nangyari noong Huwebes ng gabi! Talagang nagsanib for the Glory of God ang Kapuso at Kapamilya.
Ibang-iba talaga pagdating sa pamilya ng Diyos. Magkakompitensya mang networks ay nagkakaisa para sa Diyos! Of course, naroroon din ang mga kinatawan ng CBN-Asia (700 Club) na kabilang sa masusugid na sumusuporta sa gawaing ito.
Sa unang pagkakataon matapos ang maraming taon, nakita ko’ng muling nag-perform ang kilalang mang-aawit noong dekada 70 na si Ray-An Fuentes. Ngayon ay hindi lamang siya umaawit para sa Panginoong Diyos kundi isang anointed evangelist. Isang gospel song lang ang kanyang inawit at dumako na siya agad sa kanyang mensahe na patungkol sa mga talatang ito ng Biblia:
As for me and my house we will serve the Lord. Joshua 24:15
Nauna ko nang natalakay ang tungkol sa Media Pillar of the Philippines na ang layunin ay pag-isahin ang mga Kristiyano sa larangan ng mass media (radyo, telebisyon, pahayagan at entertainment) upang maging ilaw at liwanag sa industriya at makabuo ng maka-diyos na industriya ng pamamahayag. Ang Media Pillar ay isa lamang sa iba pang mga haligi na binubuo ng iba’t ibang larangan tulad ng pamilya, edukasyon, siyensya, gobyerno na ang kabuuang layunin ay makabuo ng maka-Diyos na lipunan. Isinilang ito sa udyok ng Banal na Espiritu sa pamamagitan ng Intercessors for the Philippines at ng kilusang Sagip-Bansa na walang puknat sa pananalangin para mahango ang Pilipinas sa lahat ng kahirapan.
Kulang ang espasyo natin kung tatalakayin natin nang buong-buo ang paksang ito. Anyway, akmang-akma ang tinalakay ni Ray-An. The media sector is just one house that must be committed to serve the Lord.
Ang media ay lubhang nabibingit sa mga tukso ng korapsyon. Nakakaligtaan ang mahalagang tungkuling magsilbing teynga, mata at kung minsa’y boses ng taumbayan. Napapanahong gamitin ng Diyos ang media sa paghubog ng isang lipunang may pitagan at takot sa Diyos.
Nakakatawa kung minsan dahil ang mga tiwaling opisyal ng gobyerno na binabanatan ng media ay siya ring mga personalidad na nai-build-up dahil sa peryodiko, telebisyon at radyo.
Kung may dapat mang sisihin sa pagkakaroon ng masamang gobyerno, nangunguna na rito ang media na siyang may impluwensya para magluklok ng mga lider sa matataas na puwesto sa pamahalaan.
With God at the top and with the prayers of fellow Christians, walang pasubaling magtatagumpay ang mithiin ng Media Pillar of the Philippines.