^

PSN Opinyon

Ray-An Fuentes, the anointed singing evangelist

- Al G. Pedroche -

NAGKAROON ng formal launching ang Media Pillar of the Philippines sa Campus Crusade for Christ Building sa Sct. Borromeo, Quezon City. The Holy Spirit did a marvelous work! Dumalo ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang sektor ng media gaya ng mga “Kapuso” ng GMA-7 at “Kapamilya” ng ABS-CBN. Spirit-filled fellowship and worship ang nangyari noong Huwebes ng gabi! Talagang nagsanib for the Glory of God ang Kapuso at Kapamilya.

Ibang-iba talaga pagdating sa pamilya ng Diyos. Magkakompitensya mang networks ay nagkakaisa para sa Diyos! Of course, naroroon din ang mga kinatawan ng CBN-Asia (700 Club) na kabilang sa masusugid na sumusuporta sa gawaing ito.

Sa unang pagkakataon matapos ang maraming taon, nakita ko’ng muling nag-perform ang kilalang mang-aawit noong dekada 70 na si Ray-An Fuentes. Ngayon ay hindi lamang siya umaawit para sa Panginoong Diyos kundi isang anointed evangelist. Isang gospel song lang ang kanyang inawit at dumako na siya agad sa kanyang mensahe na patungkol sa mga talatang ito ng Biblia:

As for me and my house we will serve the Lord. Joshua 24:15

Nauna ko nang natalakay ang tungkol sa Media Pillar of the Philippines na ang layunin ay pag-isahin ang mga Kristiyano sa larangan ng mass media (radyo, tele­bisyon, pahayagan at entertainment) upang maging ilaw at liwanag sa indus­triya at makabuo ng maka-diyos na industriya ng pama­mahayag. Ang Media Pillar ay isa lamang sa iba pang mga haligi na binu­buo ng iba’t ibang larangan tulad ng pamilya, edukas­yon, siyensya, gob­yerno na ang kabuuang la­yunin ay makabuo ng maka-Diyos na lipunan. Isinilang ito sa udyok ng Banal na Espiritu sa pama­magitan ng Intercessors for the Philippines at ng kilu­sang Sagip-Bansa na walang puknat sa pana­nalangin para mahango ang Pili­pi­nas sa lahat ng kahirapan.

Kulang ang espasyo natin kung tatalakayin natin nang buong-buo ang pak­sang ito. Anyway, akmang-akma ang tinalakay ni Ray-An. The media sector is just one house that must be committed to serve the Lord.

Ang media ay lubhang nabibingit sa mga tukso ng korapsyon. Nakakaligtaan ang mahalagang tungku­ling magsilbing teynga, mata at kung minsa’y bo­ses ng taumbayan. Napa­panahong gamitin ng Diyos ang media sa pag­hubog ng isang lipunang may pitagan at takot sa Diyos.

Nakakatawa kung min­san dahil ang mga ti­waling opisyal ng gobyerno na binabanatan ng media ay siya ring mga perso­nalidad na nai-build-up dahil sa peryodiko, tele­bisyon at radyo.

Kung may dapat mang sisihin sa pagkakaroon ng masamang gobyerno, nangunguna na rito ang media na siyang may im­plu­wensya para mag­luklok ng mga lider sa mata­taas na puwesto sa pama­halaan.

With God at the top and with the prayers of fellow Christians, walang pasu­baling magtatagumpay ang mithiin ng Media Pillar of the Philippines.

ANG MEDIA PILLAR

CAMPUS CRUSADE

CHRIST BUILDING

DIYOS

GLORY OF GOD

HOLY SPIRIT

MEDIA

MEDIA PILLAR OF THE PHILIPPINES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with