^

PSN Opinyon

Hindi lumilipas

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -

TUNGKOL ang kaso sa isang parselang lupa na may sukat na 350 metro kuwadrado. Nakarehistro ito sa pangalan ni Maria at sakop ng title No. 50384. Nakatirik sa lupa ang sinaunang bahay ng mga ninuno ni Maria. Ang lupa ay isinangla sa mag-asawang Franco at Idad noong Setyembre 20, 1974. 

Hindi nagtagal, inalis din sa pagkakasangla ang lupa at ibinenta ni Maria kay Idad noong Mayo 16, 1976. Dahil sa naging bentahan, kinansela ang title No. 50384 at nagkaroon ng bagong titulo sa pangalan ng mag-asawa. Pagkatapos, inilipat naman ng mag-asawa ang pag­mamay-ari ng lupa sa kanilang anak na si Lando sa pamamagitan ng isang kasulatan ng bentahan. Dahil sa nangyari, nagkaroon na naman ng isang bagong title (No. 193973) na nasa pangalan naman ni Lando.

Namatay si Maria. Sinubukan ni Lando na palayasin ang mga naulila ni Maria mula sa lupang sangkot. Kaya napilitan sina Celia at Ceso, dalawa sa naulila ni Maria ang nagsampa ng kaso noong April 14, 1994 laban kay Lando upang ipadek­ larang hindi totoo ang kontrata, mapawalang-bisa ang titulo, mabalik ang lupa sa kanila at humingi ng danyos mula kay Lando. Ang pangunahin nilang layunin ay upang ibalik sa kanila ang lupa at ipawalang-bisa ang title No. 193973.

Habang nakabinbin ang kaso, nagsampa rin ng kaso ang iba pang naulila ni Maria na sina Sebio, Tess, Ceso, Rita at Larry. Nagsampa sila ng kaso laban kay Lando at sa mag-asawang Franco at Idad. Hiningi nila na ipa­walang-bisa rin ang titulo at ang naging bentahan ng lupa. Ayon sa kanila, pineke lamang ang pirma ng kanilang ina sa dokumento ng bentahan na may petsang Mayo 16, 1976. Malinaw din na walang karapatang pinangha­hawakan ang mag-asawa upang ilipat naman ang lupa sa anak nilang si Lando.

Hiningi ng mag-asawang Franco at Idad pati ng anak nilang si Lando na balewalain ng korte ang kaso dahil sa nakabinbin na sa korte ang naunang kasong isinampa nina Celia at Ceso. Bukod dito wala na raw karapatan ang mga naulila ni Maria na maghabol pa sa lupa dahil sa haba ng panahong lumipas. Pinabayaan daw ng mga naulila ni Maria ang usapin noon at dahil sa natulog sila sa kanilang karapatan sa loob ng napa­kahabang panahon ay hindi na sila maaaring maghabol pa ngayon. Tama ba sila?

MALI.  Ang kasong isinampa na may kinalaman sa pagbawi ng lupa dahil sa nagawang ilipat ang pagmamay-ari nito sa pamamagitan ng pandaraya at pamemeke ay isang kaso upang ipadeklara ang kawalan ng bisa ng dokumento. Hindi ito lumilipas.

Ang taong nakakuha ng karapatan sa lupa dahil sa pan­daraya ay awtomatikong nagiging tagapangasiwa nito para sa kapakanan ng tunay na may-ari.

Sa karaniwang sitwasyon, may 10 taon lamang na ibinibi­gay upang makapagsampa ng kasong may kina­laman sa pagbawi ng lupa. Ngunit ang 10 taong palugit ay magkakabisa lamang mula sa panahong kailangan na talaga ng may-ari ang lupa at wala sa may-ari ang posesyon. Sa kasong ito, kung saan ang tunay na may-ari ang naka­posesyon, hindi pa nag-uumpisa ang 10 taong palugit.

Hindi rin maaaring ituring na pinabayaan na ng mga naulila ni Maria ang karapatan nilang habulin ang lupa. Maituturing lamang na napabayaan o tinulugan na nila ang kanilang kara­ patan kung walang malinaw na batas na nagpapatupad nito. Kung may batas na ipinaiiral, ito ang dapat masunod. Walang kapabayaang naganap lalo kung hindi naman lumilipas ang karapatan ng taong sangkot (Sps. Sofronio Santos et. Al.vs. Heirs of Domingo Lustre, G. R. 151016, August 6, 2008).  

CELIA

CESO

DAHIL

HEIRS OF DOMINGO LUSTRE

IDAD

LANDO

LUPA

MARIA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with