^

PSN Opinyon

Mag-ingat sa mga batang nagtitinda ng supot sa Quiapo!

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

NAGBABALA si Supt. Romulo Sapitula sa lahat ng mga shopper na gagawi sa Quiapo partikular sa mga kalye ng Carriedo, R. Hidalgo, Evangelista, Raon, Quinta Market at Barbosa na mag-ingat sa mga kabataan na nag-aalok ng supot.

Ito umano ang ginagamit ng sindikato upang linlangin ang mga shopper sa kunwari nagbebenta lamang ng supot subalit kapag-kayoy nalibang tiyak na mawawala ang inyong wallet o personal na kagamitan.

Ang modus operande ng mga ito ay, sasalubungin kayo ng ilang kabataan at kayo ay papaligiran habang pinapagpag sa inyong harapan ang dalang mga supot at ang ilan naman nitong kasamahan ay unti-unti kayong ginigitgit hanggang sa kayo ay malito. At oras na kayo ay lito na sa kakulitan ng mga ito, diyan sila gagawa ng hakbang upang madukot ang inyong wallet, cell phone o anumang mahahalagang bagay na maaari nilang maibebenta.

Bigla na lamang silang mawawala sa inyong harapan at uuwi kayong luhaan dahil nalimas na ang inyong pera at mahahalagang kagamitan, he-he-he! Kaya kapag magawi kayo sa naturang mga lugar, doblehin ang pag-iingat upang makaiwas sa mga kabataang ito.

Sa kabila naman ng mainit na kampanya ng PNP laban sa mga magsusupot na kabataan may nakalulusot pa rin sa kanilang mga kamay. Ang mga pulis din naman nasisisi. At dahil mga kabataan pa ang mga ito na may edad 7 hanggang 12 lamang, wala silang magagawa kundi iturn-over sa Department of Social Wellfare and Development (DSWD) sa Aroceros, Manila. Alam naman ninyo na kaka­piranggot lamang ang budget ng naturang ahensiya kaya kadalasan ay pina­ wawalan na lamang nila o dili kaya’y ipinauubaya na sa mga magulang. Kayat ang resulta balik na naman sila sa kanilang gawain, he-he-he!

Hindi lamang pala sa mga lugar sa Quiapo dapat mag-ingat kundi pati na rin sa Divisoria at Binondo kung saan nagli­pana ang mga kabataang mandurukot.

Maraming namimili sa mga nabanggit na lugar kaya marami ang nabibiktima. Sa totoo lang, sa tingin ko walang kakayahan ang kapulisan na mahuli ang mga kabataang mandurukot kung patuloy na matutulog ang ilang barangay chairman.

Sa halip na magsiga-sigaan ang mga barangay chairman sa kanilang lugar, dapat nilang ituon ang kanilang atensyon sa lumalalang problema sa mga kabataan. Huwag naman sana puro koleksyon na lamang sa vendors ang inyong pagtu­unan ng pansin. Dapat na tumulong kayo sa kapulisan upang mabig­yan natin ng seguridad ang mga parukyanong dumarayo sa inyong lugar. Get mo, Barangay 307, Zone 30 Chairman Boy Bata!

ALAM

AROCEROS

BARBOSA

CHAIRMAN BOY BATA

DEPARTMENT OF SOCIAL WELLFARE AND DEVELOPMENT

INYONG

LAMANG

QUINTA MARKET

ROMULO SAPITULA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with