^

PSN Opinyon

Ang una ay laging first!

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

Sabi nila ang una ay always first so let me be the first one to greet the riders este mali readers pala ng ‘ANG PILIPINO STAR NGAYON’ ng MERRY CHRISTMAS and a BOUNTIFUL NEW YEAR.

GOD BLESS YOU ALL and YOUR FAMILY!

Ang Hummer na may plakang 8

MALIMIT makita ang pangmayaman sasakyan ‘Hummer’ na may plakang 8 na minamaneho ng isang batang-batang lalaki na anak siguro ni Congressman dahil nga sa plate number nito nakakabit sa unahan ng tsikot.

Number 8, kasi ang mga gamit na palaka este mali plaka pala ng mga kongresista sa gamit nilang mga sasakyan pero ito ay para sa kanila lamang at hindi puedeng gamitin ng kahit na sinuman.

Ika nga, exclusive for Congressmen!

Sabi nga, asawa, anak, kamag-anak, bayaw, hipag, bilas, lolo, lola, uncle, auntie at iba pa hindi puede. Kongresista lamang ang dapat na gumagamit ng sasakyan may plakang 8.

Sumbong ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang ‘HUMMER’, na high end vehicle ay dalawang beses ng nakikita na minamanero ng isang batang-bata na boy kasama ang isang young girl na ipinaparada dyan sa isang bagong bukas na grocery sa Kyusi malapit sa Pier 1.

Kamakailan ay naging kontrobersyal at usap-usapan ng madlang people ng Philippines my Philippines ang plakang 8.

Ika nga, talk of the town!

Kasi nga, nasangkot ang isang tsikot ni Congressman na may plakang 8 sa isang accident dyan sa isang shopping center sa kyusi. Hindi ang kongresista ang may dala ng tsikot kundi kapamilya niya at kapuso. Hehehe!

Kung anuman ang nangyari regarding sa accident sila-sila na lang ang nakakaalam.

Ang naging bangayan ng LTO at ibang kongresista sa paggamit ng plakang 8 iyan ang malabo pa up to now.

Sabi nga, ningas cogon?

Balik isyu, hindi muna babanggitin ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang plate number ng HUMMER dahil kailangan muna itong ipa-verify sa Land Transportation Office kung kanino ito nakapangalan at pagkatapos saka natin sasabihin ang pangalan ng real owner nito.

Abangan.

Anak ng jueteng!

NAMAMAYAGPAG pala sina Luding dyan sa Baguio at Benguet sa jueteng operation nito at ang masama ginagamit pa ang pangalan ni ‘bigote’.

Kamote, ka Luding lagot ka!

Ganuon din ang grupo ni Tony Ong, sa Santiago naman siya nagpapasugal at sa Nueva Viscaya kasama nito sina Nino at isang Castro.

Si Boy bata, aka alimango ay pinatigil daw sa operasyon niya sa Pangasinan kasama si Lito milaway pero ang hindi alam ng kaparian todits ay tuluy-tuloy pa rin ang kanilang pa- jueteng at tinatawanan lamang sila ng mga ito.

Paging - Bishop Oscar Cruz, ano ba ito?

Sa Quirino, ay si Boy bata, aka alimango, ang jueteng operator pangalan ng mga katulisan este mali kapulisan dito ang ginagasgas niya? Totoo kaya ito, PNP Chief Jess Verzosa, Sir?

‘Kapos ang kolum ng Chief Kuwago’ sabi ng kuwagong urot.

Abangan.

Charter Change, huwag na!

DUMARAMI ang mga kongresista na ayaw pag-usapan para umusad sa Kamara ang usapin Charter Change.

May mga kontra todits kahit na ang mga kongresista na kakampi ng malakanin este mali Malacañang pala ay ayaw itong pag-usapan ngayon up to 2010 ang gusto ay after election.

 May mga nagmamatigas na tungkol sa isyung ito.

Sabi nga, Charter Change after 2010 election!

Umiinit kasi ang usapin ito sa mga politiko at kinaiinisan naman ng madlang people kaya kung pipilitin ito ng mga mambubutas este mali mambabatas pala baka hindi mapigilan ang hungry este anger pala ng madlang pinoy.

Huwag na nating hintayin na gayahin ng madlang people ang ginawa sa Thailand habang maaga ay umisip na lamang ang mga politiko ng mga solusyon na makakabuti sa mamamayan ng Philippines my Philippines kaysa magalit sila sa inyo!

Sabi nga, huwag ng pilitin!

ABANGAN

ANG HUMMER

BISHOP OSCAR CRUZ

CHARTER CHANGE

CHIEF JESS VERZOSA

ISANG

SABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with