Bgy. Chairman sa Quiapo hindi naimbita sa salu-salo pinatay ang ilaw sa Sales St.
IPINAG-UTOS ni Manila Police District chief, Chief Supt. Roberto “Boysie” Rosales sa lahat ng kanyang mga tauhan na dakpin ang mga kabataang mandurukot sa mga matataong lugar sa kapaligiran ng Quiapo at Sta. Cruz. Ito ay dahil sa napakaraming reklamo ang kanilang natangap mula sa mga shopper na biktima ng pandurukot.
Kaya puspusan ang kampanya ni Supt. Romulo Sapitula ng Sta.Cruz/Central Market Police Station 3 sa kapaligiran ng Carriedo, R. Hidalgo, Evangelista Sts, Quinta Market at Barbosa kung saan kinakitaan ng mga batang mandurukot.
Madalas umano mahuli ng mga tauhan ni Sapitula ang mga kabataan at kanilang itini-turn-over sa tanggapan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Aroceros subalit nakalalabas din agad ang mga ito at balik na naman sa kanilang gawain.
Kaya nanawagan si Sapitula sa mga magulang ng mga kabataang Muslim na bantayan ang kanilang mga anak at baka ginagamit ito ng mga sindikato kung kaya sa murang kaisipan pa lamang ay nabubulid na sila sa masamang gawain.
Aba, mga kapatid kong Muslim diyan sa Quiapo, maging maagap kayo sa inyong mga anak at baka mahuli na ang lahat na masadlak sila ng tuluyan sa kasamaan. Lagi nating isaisip na ang kabataan ay pag-asa ng ating bayan subalit kung bulid na sila sa kasamaan, ano pa ang magiging pag-asa ninyo na maiahon kayo sa kahirapan.
Hala kilos mga kapatid at simulan na ninyo na himukin sila sa mabuting gawain upang sa kanilang paglaki ay matatamasa ninyo ang kaginhawahan, hindi yung madalas kayong lumulutang sa mga presinto upang ipakiusap sa kapulisan ang kanilang paglaya. Di ba mga suki? He-he-he!
Tinatawagan ko rin ang lahat ng barangay chairman sa sumasakop sa naturang lugar na maging maagap sa paggawa ng aksyon sa reklamong pandurukot, tumulong kayo sa kapulisan para matigil ang paggamit ng sindikato sa mga kabataan na bumibiktima sa shoppers..
Aksyunan ninyo ang pagiging talamak ng kabataan dahil kayo ang mas nakakikilala sa mga taong naninirahan sa inyong lugar. At oras na mapatigil ninyo ang mga ito, tiyak na aasenso ang inyong barangay at lalo pang dadayuhin nang maraming shopper ang inyong lugar. Di ba mga chairman?
And speaking of chairman, nakadidismaya naman ang pagiging brusko ni Chairman Boy Bata ng Bgy. 307, Zone 30. Ayon sa sumbong na nakarating sa akin, pinatayan ng ilaw ni Bata ang kahabaan ng Sales St., matapos makalimutang imbitahin sa isang salu-salo ng isang negosyante noong gabi ng November 20, he-he-he! Di lang naimbita nagtampo na, aba Chairman Bata, alalahanin mo naman na krisis ngayon kung kayat halos lahat ng negosyante ay naghihigpit ng sinturon. Get mo?
- Latest
- Trending