Palpak na Retoke

SA kauna-unahang pagkakataon, isang modelo ang naglakas-loob na magsumbong sa BITAG dahil sa palpak na retokeng ginawa sa kaniyang katawan ng isang bogus na cosmetic surgeon.

Isang sexy image model sa isang kilalang men’s magazine si Mau. Sa larangan ng industriyang kinabibilangan, magandang katawan ang puhunan.

Malalaking boobs, matambok na puwitan, balingkini­ tang katawan at kaakit-akit na mukha ang kuwalipikasyon upang maging isang sexy image model.

Kaya naman isang espesyalista daw na rekomendado ng mga kaibigan at kakilala ang kanyang pinuntahan, ang Beauty Center Salon ni Emmy Eugenio-Torres, aka Doc. Emmie.

Sa murang halaga nakamit ni Mau ang katawang  pag­papantasyahan ng mga kalalakihan. Subalit panan­dalian lamang pala ito dahil pagkalipas ng ilang buwan, halos ikamatay ni Mau ang naging resulta.

Anim na buwang naratay si Mau dahil namaga at nag­bukol-bukol ang dibdib at puwitang ginawa ni Doc.Emmie.

Humingi daw siya ng tulong kay Doc.Emmie subalit sinabihan siya nitong natural lamang daw iyon.

Sa paglapit ni Mau sa BITAG, pinatingnan namin siya sa isang tunay at lisensiyadong plastic surgeon, si Dr. Jim Sanchez.

Ayon kay Dr. Sanchez, hindi gawain ng isang tunay na espesyalista ang prosesong ginawa kay Mau. Ang kemikal na ginamit raw kay Mau upang lumaki ang dibdib at puwitan nito ay ipinagbabawal na raw ng BFAD na tina­tawag na liquid foreign body material.

Agad na kumilos ang BITAG at mga opera-tiba ng District Intelligence Investigation Division-Southern Police District, ikinasa ang isang entrapment operation laban sa pekeng espesyalista na si Eu­genio.

Tanging si Mau pa lamang ang naglakas-loob na lumantad at mag­reklamo dahil sa nang-yari sa kanya. Ma­rami pa raw siyang mga kasama­hang modelo na tahimik na nagdurusa at sina­-   sa­rili lamang ang sakit    ng katawan na na­rara­nasan.

Alam ito ng BITAG, dahil sa kahihiyan ay minabuti nilang mana­himik.

Subalit kung walang magrereklamo, hindi ma­paparusahan ang mga may kasalanan.

Patuloy lamang na da­dami ang kanilang magi­ging biktima.

Show comments