^

PSN Opinyon

Tipus

WHAT'S UP DOC? - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. -

NOONG nakaraang linggo, maraming residente sa Real, Quezon ang apektado ng typhoid fever o ng tipus. Ayon sa Department of Health, nakontamina ang tubig na inu­min ng mga taga-Real. Sa ipinakitang video ng TV Patrol, kakatwang sumasalok ng inuming tubig sa bukal ang isang residente habang nakababad naman ang paa ng isa pang tao sa tubig. Nahaluan ng dumi o bacteria ang tubig na kanilang inumin.

Sintomas ng tipus: Pananakit ng ulo, kasu-kasuan, tiyan, lalamunan (sore throat) at pagdurugo ng ilong. Ma­ka­raranas din ng pagkauhaw, pagtatae na may kahal­ong dugo at pagka­karoon ng pink rash of rose spots sa tiyan at dibdib.

Dahilan ng tipus: Kagagawan ng bacterium ang tipus kung saan nananahan ito sa tubig na marumi o may inadequate disposal of sewage. Kapag nainom ang tubig na may bacterium magsisimula na ang atake ng tipus. Depende sa dami ng organisms na nalunok kung gaano kabilis lumabas ang sintomas. Kadalasan, may mga carrier na ng tipus pero walang makita sa kanilang sintomas. Ang iba ay mild lamang ang atake kaya ipinagkakamali na gastroenteritis ang tumama sa kanila.

Gaano kabigat ang problemang dulot ng tipus? Kapag sobra na ang taas ng lagnat ng may tipus, mang­hihina siya at halos hindi makabangon. Isang delikadong mangyari ay ang paghina ng tibok ng puso. Maaaring mag­karoon din ng anemia, enlargement ng spleen, blood changes at pag­kakaroon ng protein sa urine. Ang iba pang kumplikasyon ay ang pneumonia, acute hepatitis, cholecystitis, meningitis, tissue abscesses, endocarditis at kidney inflammation. Ang mga kum-pli­kasyong ito ay maa­aring ikamatay.

Paano ang treatment sa tipus? Ang pag­bibigay ng anti­biotics ang nararapat sa may tipus. Ang antibiotics na maaa­ring ibigay ay ang chloram­penicol, ampicillin, ceftria­xone at cefoperazone.

Paano maiiwasan ang tipus? Proper hygiene o kali­ni­san ang kailangan para hindi kumalat ang tipus. Magsabon at mag­hugas na mabuti ng kamay pagkata­pos dumumi. Da­pat ma-sterilized ang clo­ thing and beddings ng pasyente. Kailangang mag­ pakuna laban sa tipus. Dapat na magpahingang mabuti ang pasyente upang madaling makare­kober sa tipus.

AYON

DAHILAN

DAPAT

DEPARTMENT OF HEALTH

GAANO

ISANG

KAPAG

PAANO

SHY

TIPUS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with