^

PSN Opinyon

Sundalo ng Navy at Coast Guard nagrambulan dahil sa babae

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

TOTOO ang kasabihan na ang labis na pag-inom ng alak ay nagdudulot ng kapahamakan lalo kung ang masayang inuman ay malalahukan ng kantiyawan sa babae. Sa halip na ipa-hinga ang mga pagal na katawan matapos ang maghapong pagtatanod sa karagatan ay nilunod pa sa alak ng mga ito.Get n’yo mga suki?

Kaya ang resulta ay ang dagliang kamatayan ng isang kasapi ng Philippine Navy (PN) na nakilalang si Arnel Villacillo habang sugatan naman nang dumating sa Gat Andres Medical Center ang kasamahan nitong si Glenard Mendoza na pawang kasapi sa Navy Task Force Sea Marshall.

Samantala bugbog sarado naman si 2Lt. Euphraim Diciano na kasalukuyang ginagamot sa Ospital ng Maynila. Ayon sa inpormasyon na nakarating sa akin, nagsimula umano ang mainitang pagtatalo ng mga sundalo nang pumasok umano si Diciano sa loob ng makipot na videoke bar na nasa San Mi­­guel Road, Binondo, Manila kung saan ay masayang nag-iinuman ang grupo ng nasawi na si Villacillo kasama sina Seaman First Jayson Esteban, Ronald Villuan at Glenard Mendoza.

Labis umano ang pagkainis ng grupo ng mga navy kay Diciano nang mabaling ang atensyon ng isang tsikas mula nang dumating ito sa naturang videoke kaya naging mainit na ang pagtingin ng grupo nina Villacillo, he-he-he! Nag­selos lang sa bebot nagpatayan pa. Ano ba yan mga suki?

Binuhusan pa umano ng isa sa kasamahan ng nasawi ng beer ang waitress na si Emily Joylar nang pagsilbihan umano ng beer si Diciano kung kaya agad na lumabas umano si Diciano at nang bumalik ay may nakasukbit ng baril sa kanyang baywang.

Doon na nagsimula na nagpambuno ang magkalabang sun­­dalo at nang mapawi ang usok ng palbura ay nakitang naka­bulagta na si Villacillo sa sahig at duguan naman sa balikat si Mendoza. Umatikabong bugbugan ang kasunod kaya nakitang nakagulapay si Diciano sa sahig bago dinala ng mga kasama sina Villacillo at Mendoza sa ospital. Kung ang tapang ng mga ito ay ginamit nila sa tunay na kalabang terorista tiyak na hahangaan pa sila ng taumbayan. Di ba mga suki?

Habang lantang gulay na nakahandusay si Diciano ay may dumating pang mga sundalo ng Navy na pawang armado ng matataas na kalibre ng baril. Sa halip na dalhin sa ospital si Diciano ay pinagtulungan pang gulpihin at natigil lamang ang pambubugbog dito nang dumating ang mga kasama- hang Coast Guard at mga pulis ng Manila Police District.

Agad na dinala si Diciano sa Ospital ng Maynila. Habang ginagamot ay nagdatingan ang mga kawal ng Philippine Navy na naka-full battle gear at tinangka umanong kunin si Diciano subalit hindi pumayag ang     mga doctor.

Nahintakutan naman ang mga pasyente at mga tao sa naturang gusali ng dumating ang mga kasamahang Coast Guard na nakaarmas din nang mahahabang kalibre. Nagmistulang giyera sa Mindanao ang naging eksena at napayapa lamang ito ng dumating ang mga kapulisan ng MPD kasama ang Special Weapons and Tactics (SWAT).

Sa kasalukuyan, tensyunado pa rin ang kapaligiran ng OsMa habang nasa paligid pa rin ang mga sundalo. Aba AFP chief Gen. Alexander Yano at DOTC Secretary Lendro Mendoza, disiplinahin n’yo ang inyong mga tauhan upang maiwasan ang pagdanak pa ng dugo. Abangan!

ALEXANDER YANO

ARNEL VILLACILLO

COAST GUARD

DICIANO

GLENARD MENDOZA

NANG

PHILIPPINE NAVY

VILLACILLO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with