Kampanya kontra kurakot, dinala ng PAGC sa rehiyon
CONGRATS sa Presidential Anti-Graft Commission. Dinala ng ahensyang ito ang kampanya kontra kurakot sa lahat ng rehiyon ng buong bansa at umaakit ng mga supporter mula sa iba’t-ibang local government units (LGUs).
Sa ngayon ito’y nailunsad na sa siyam na rehiyon na sumasakop sa 81 LGUs sa loob ng nakalipas na walong buwan. Magpapatuloy ito hanggang sa mapalaganap sa buong kapuluan ang kampanya, ayon kay Secretary Constancia de Guzman, pinuno ng PAGC.
“Ang kampanya ay nakapagbigay sa PAGC ng pagkakataong magsagawa ng mga orientation seminar at workshop, at magbigay ng technical assistance sa mga local na opisyal tungkol sa iba’t-ibang aspeto ng IDAP (Integrity Development Action Plan), ang mga benepisyo nito at kung paano ito maipapatupad,” ani De Guzman.
Bilang pangunahing programa ng pamahalaan, ang IDAP ay kinapapalooban ng 22 paraan ng pagsugpo sa pangungurakot sa ilalim ng apat na larangan: Prebensyon, edukasyon, imbestigasyon at parusa, at pakikipagtulungan sa lahat ng sektor.
“At dahil nga sa masamang epekto ng kurapsyon sa ekonomiya at kultura, pinalawak ng PAGC ang kampanya nito upang mapalaganap ito, di lamang sa mga regional offices ng mga pambansang sangay ng pamahalaan, kundi maging sa mga LGU na bumubuo sa ating mga rehiyon,” paliwanag ni De Guzman.
Dahil sa pagpapatupad ng IDAP mula pa noong 2004, nag-ibayo ang kakayahan ng mga ahensyang lumalaban sa kurapsyon, nagkaroon ng pagtutulungan ang iba’t-ibang sektor sa pag-usig sa mga nangungu rakot, humigpit ang regulasyon sa paglalahad ng mga opisyal ng kanilang mga pag-aari, umigting ang pagbawi sa mga ilegal na yaman ng mga grafters at ang pagsasampa ng kaso sa mga opis yal na di makapag-liquidate ng kanilang mga cash advances, reporma sa justice system tungkol sa kurapsyon, ang pagpapalaganap ng electronic accounting system at integri ty development review para mapangalagaan ang integridad ng mga transaksyon ng pamahalaan, at marami pang iba.
Ang lahat ng mga ito ay nakapagdulot ng ma laking pagbuti sa serbis-yo publiko.
Bukod dito, nirekomenda ng PAGC kay Pangulong Arroyo ang pagpapatalsik sa may 71 na matataas na opisyal dahil sa katiwalian. Ito ang pinakamalaking bilang na naitala ng pamahalaan sa kasaysayan ng bansa.
Anim na opisyal lamang ang napatalsik noong panahon ni Pangulong Fidel V. Ramos, at wala ni isa noong panahon ni Joseph Estrada.
Ang 71 na pinatalsik sa panahon ni Pangulong Arroyo ay kabilang sa may 125 na opisyal na inirekomenda ng PAGC na maparusahan.
Kabilang din dito ang 25 para masuspinde, 21 para sa accessory pe-nalties, at walo para ma- reprimand.
- Latest
- Trending