^

PSN Opinyon

Hindi maipaliwanag ng PNP ang pag-iwas sa firecrackers

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

SINAYANG ng Philippine National Police (PNP) ang pagkakataon para ipaliwanag sa mamamayan ang programa nila para maiwasang maputukan sa darating na pagdiriwang ng Pasko at New Year. Inilunsad kasi noong Lunes ng Department of Health (DOH) ang pro­gramang “Iwas Paputok” at nandoon ang lahat ng kina­tawan ng ahensiya ng gobyerno tulad ng PNP, AFP, Bureau of Fire, at iba pa.

Ang nakadidismaya lang, ang kinatawan ng PNP na si Supt. Eduardo Abaday ay parang hindi handa sa okasyon dahil hindi niya masagot ang mga tanong sa kanya. ‘Ika nga mga suki, pumunta sa giyera itong kina­tawan ng PNP na walang dalang armas. Kasi nga kung nakapag-research ang kinatawan ng PNP, sana sa ngayon pa lang batid na ng mamamayan ang gagawin nila para maiwasan nilang maging biktima ng paputok sa kasayahan sa darating na Pasko at New Year.

Maganda naman ang simula ng press briefing na pinangungunahan ni Health Sec. Francisco Duque 111. Nag-apela si Duque na ‘wag gumamit ng paputok sa darating na Pasko at New Year para maiwasan ang dis­grasya. Ipinaliwanag pa ni Duque ang formula ng DOH kung paano maging ligtas kontra paputok. Ang mga ito ay ang ‘wag magpaputok; gumamit ng nakakaibang paraan sa pag-iingay tulad ng torotot, kaldero, at lata.

Binalaan din ni Duque ang mga Pinoy na ‘wag ma­ mulot ng mga paputok, maghugas ng kamay para mai­wasan ang tetano na nagiging dahilan ng ilang kasong pagka­matay ng mga naputukan o dili kaya’y kumunsulta kaagad sa pinakamalapit na pagamutan at ‘wag mag­paputok ng baril. Ipinakita pa ni Duque sa media ang ilang mga batang naputukan kung saan putol ang ilan nilang daliri, he-he-he!

Isinusulong din ng DOH sa Kongreso na I-ban na lang ang lahat ng klaseng paputok dahil ayon sa survey na napasakamay nila mas marami pa ang bilang ng biktima ng mga legal na paputok o ‘yaong mga allowed by law keysa sa illegal na paputok.

Sa puntong ito, tinanong ng taga-Channel 13 kung anu-ano ang pinagbabawal na paputok at siyempre ipinasa ni Duque ang katanungan ke Abaday dahil ang kapulisan ang taga-implement ng batas. Marami raw ‘yon, ayon kay Abaday sabay hingi ng paumanhin at hindi niya dala ang listahan. Sinalo pa nga ni Duque si Abaday at nagbigay ng ilang bawal na paputok tulad ng piccolo at boga. Tinanong din ng isang titser na mula sa Cecilio Apostol Elem. School sa Sta. Cruz, Manila na nakatira sa Bulacan kung bakit lantarang ibinibenta ang mga ipinagbawal na paputok sa lugar nila mismo na malapit pa sa police outpost. Ang sagot ni Abaday? “Salamat sa magandang impormasyon at ating aaksiyunan ito.” He-he-he! Bolero pa pala itong si Abaday, no mga suki?

O baka naman hindi lang alam ni Abaday ang batas kontra paputok?

O me ideya na siguro kayo mga suki kung bakit nagkasemplang-semplang ang kaso ni ret. PNP comptroller Gen. Eliseo de la Paz. Abangan!

ABADAY

BUREAU OF FIRE

CECILIO APOSTOL ELEM

DEPARTMENT OF HEALTH

DUQUE

NEW YEAR

PAPUTOK

PASKO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with