Rough sailing till 2010 kay GMA

GAYA nang inaasahan, naibasura na nga ang latest impeachment case laban kay Presidente Arroyo. Kunsa­bagay wala namang umaasa na magpo-prosper iyan eh kaya wala nang thrill from day one.

D’yosme! Taun-taon na lang ay naririnig natin ang lumang tugtugin sa impeachment na wala namang kina-hi­hinatnan. People, I think, are already desensitized about this issue.

Iba talaga ang nasa poder at maraming kakamping Mambabatas. Laging may lusot sa tuwing may gusot.

Tanong ng Barbero kong si Mang Gustin: Matatapos kaya ni Presidente Arroyo ang kanyang termino hang­ gang 2010? Sa palagay ko’y oo naman. Dangan nga lang, wala na tayong magiging kaayusan. Kung baga sa dagat, puro dambuhalang alon.

Matapos malusutang muli ng Pangulo ang pilit binu­buhay na $329 milyong NBN-ZTE broadband deal siguro’y makahihinga ng maluwagluwag si Madame Pre-sident. Pero hanggang kailan?

Sa dinami-dami ng mga akusasyon sa kanya at sa kanyang esposong si FG Mike Arroyo, maski papaano’y may kaba rin sa dibdib ng Pangulo habang papalapit ang termination ng kanyang panunungkulan. As of now, may immunity from suit siya. Hindi puwedeng idemanda habang Pangulo kaya ang ginagawa ng kanyang mga detractors ay idaan ito sa impeachment process. Pero 2010 is just a stone’s throw away. Isang “hatsing” na lang wika nga.

What will happen pagbaba ng Pangulo sa puwesto? May mga arresting officer na kayang may dala-dalang posas para dakmain silang mag-asawa? Ewan ko kung ano ang mangyayari. Pero sa tingin ay may kaba sa dibdib ang first couple.

Kaya nga ang paglutang ng isyu sa Charter Change (Cha-cha) ay nagdudulot ng hinala sa marami na ito’y tusong paraan para mapa­lawig pa sa puwesto ang Pa­ ngulo. Prolonging the agony!

Show comments