^

PSN Opinyon

Babale-walain ba nila ang buhay ng botante?

SAPOL - Jarius Bondoc -

HINDI lang NBN-ZTE, Diwalwal-ZTE, Northrail, fertilizer at   swine scams, o panunuhol sa mga kongresista ang paratang kay Gloria Arroyo sa huling impeachment case. Kabilang din ang pagpatay, pagkidnap at pag-torture ng death squads niya bilang Commander-in-Chief sa “Oplan Bantay Laya.” Anang paratang 610 militante at 42 mamamahayag na ang pina-tay, 176 ang nagla­hong parang bula, 245 ang na-torture, at 1,563 ang ile­gal na inaresto mula naupo si Arroyo nu’ng 2001. Nu’ng una manaka-naka lang ang mga insidente, pero mula nang nandaya si Arroyo sa 2004 presidential election ay tu­mindi ang panunupil.

Dinetalye sa paratang ang pagkawala nina lider magsa­ sakang Jonas Burgos, batang aktibistang Sherlyn Cadapan at Karen Empeño, Manuel Merino, Leo Velasco, Patricio Abalos, Perseus Geagoni, Riel Custodio, Michael Masayes, Axel Alejandro Pinpin, Aristedes Sarmiento, Enrico Ybañez, Rev. Berlin Guerrero, at mag-amang Rogelio at Gabriel Calubad.

Detalyado rin ang torture kina magkapatid-magsa­sakang Raymond at Reynaldo Manalo, Oscar Leuterio, Bernabe Mendiola, Virgelio Calila, Teresa Calilap, Fernando Torres, Nonilon Parro, Herbert Imperial, Angie Impong, Ruel Marcial, at mga menor de edad na Jefferson Paraiso, Kennedy Abilio,   at Joey Imperial.

Gay’un din ang pagpaslang kina Rev. Isaias Sta. Rosa, Eddie Gumanoy, Eden Marcellana, Alice Omengan-Claver (pati naudlot na pagpatay kay Dr. Constancia Claver), mag-inang Alice Abelon at 5-taong-gulang na Amante Jr. (at naudlot na pagpatay kay Amante Abelon Sr.), Diosdado Fortuna, Sichi Bustamante Gandinao, mag-asawang Expedito at Manuela Albarillo, Rev. Andy Pawican, Romy Sanches, Florante Collan­tes, Ricardo Uy at Alden Ambida.

Nakatala kung saang barangay, bayan at probinsiya sila dinukot ng death squad. Alam ng mga kongresista kung sinu-sino sa mga biktima ang mga botante nila. Bigyan sana nila ng hustisya ang mga nasawi’t nasaktan. Kundi, karmahin sana sila sa pagtanggap muli ng suhol mula kay Arroyo.

ALDEN AMBIDA

ALICE ABELON

ALICE OMENGAN-CLAVER

AMANTE ABELON SR.

AMANTE JR.

ANDY PAWICAN

ANGIE IMPONG

ARISTEDES SARMIENTO

AXEL ALEJANDRO PINPIN

BERLIN GUERRERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with