(Huling bahagi)
NUNG IKA-3 ng SETYEMBRE, 2008 nakatanggap ang Provincial Prosecutor ng kautusan mula kay Judge Arniel Dating ng Branch 41 ng Regional Trial Court ng Daet, Camarines Norte na amiendahan ang “information” na i-finile mula sa Murder gawing Homicide sa loob ng limang (5) araw. Nag file nang Motion for Reconsideration ang prosecution.
Naglabas ng Order si Judge na hindi lamang dinismiss ang motion ngunit ipinag-utos pa na pakawalan ang mga akusado mula sa provincial jail sa kasong pagpatay kay P/Chief Insp. Wilson Perez, Chief of Police ng Labo, Camarines Norte.
Umapila ang pamilya at kaibigan ni Chief Perez sa mas mataas ng hukuman at naghain ng Certiorari for Grave Abuse of Discretion laban kay Judge Dating.Idinetalye ni Judge Dating ang mga dahilan kung bakit niya hindi nilabasan ng warrant of arrest ang mga akusado at bakit niya iniutos na pawalan ang mga akusado.
Bagaman inamin ni Judge Dating na ang kailangan para makitaan ng “PROBABALE CAUSE” ay hindi kasing bigat ng ebidensya para makakuha ng “CONVICTION” kailangan daw na ito ay higit sa hinala o “suspicion” lamang.
Although the determination of probable cause require less than evidence which (AAA versus Carbonel, G.R. 171465, June 8, 2007, 527SCRA496).
Sinabi ni Judge Dating na bagaman dinagdag ng mga nag-dedemanda na nilusob ng harapan ang biktima, hindi naman daw umano ito nabanggit sa sinumpaang-salaysay ng kanilang testigo na si Danilo Ramos.
Sa katunayan tatlong tao lamang ang nabanggit. Isang naka puting tshirt (si Oida), isang naka orange na tshirt (Velacruz) at ang isa pang nakasuot ng brown na t-shirt. Walang binanggit na babaeng nakaitim na t-shirt na si Lilibeth Bonagua.
Napansin din daw ni Judge Dating ang sobrang bilis na pagsampa ng kasong Murder na isinampa ang “information” kung tutuusin ang pinagbasehan ay ang resolusyon na ang petsa ay August 12, 2008 na i-finile lamang nung August 19, 2008.
Parang inilalagay ang “cart before the horse,” o ang karetela bago ang kabayo.
Dahil dito, inutusan ni Judge Dating ang warden of the Camarines Norte Provincial Jail na pawalan mula sa pagkakulong si P/INSP Ralph Jason Oida, maliban na lamang kung may iba pang kaso siyang hinaharap para maiwan siya sa loob ng piitan.
Ito ay pinirmahan niya nung 19th day of September, 2008 sa Daet, Camarines Norte. Sgd Judge Armiel A. Dating.
Binanggit din ni Judge Dating ang kaso ng People vs Inting, 187 SCRA 768 (1990) and Roberts Jr. vs Court of Appeals, 254 SCRA 768 (1996) sa kanyang paninimbang ng mga ebidensya at dokumneto na maaring makaapekto na makitaan ng “probable cause” para sa krimen ng Murder.
The prosecutor’s certification of probable cause is ineffectual, it does not bind the Judge, it merely assist him to make determination of probable cause, the Judge does not have to follow what the prosecutor presents to him; Rather it is the report, the affidavits, the transcripts of stenographic notes (if any), and all other supporting documents behind the Prosecutor’s certification which are material in assisting the Judge to make his determination;
Ito ay kinwestion ng prosecution at tahasang sinabi na hindi nakasaad sa “Inting case” na bibigayan ng kapangyarihan sa isang hukom na baliktarin, palitan, ayusin, itaas o ibaba ang isang kaso inirekomenda ng “investigating prosecutor” matapos makitaan “probable cause”.
Ang kapangyarihan na ibinigay sa isang hukom na nakapaloob sa ating Konstitusyon ay alamin lamang kung meron ngang “probable cause” para labasan ng warrant of arrest.
Dito inaatasan ang hukom na alaman, eksaminin para sa kanyang sarili, una, kung meron ng basehan sa nakitang “probable cause as distinguished from the probable cause or prime facie evidence whether or not a respondent should stand trial.
Ito raw ay tungkulin ng isang prosecutor at magkaiba sa ginawa ng hukom sa kasong ito.
As amplified by the Supreme Court in the same case:
Judges and Prosecutors alike should distinguish the preliminary inquiry which determines probable cause for the issuance of arrest from the preliminary investigation proper which ascertains whether the offender should be held for trial or released. Even if the two inquiries are conducted in the course of one and the same proceedings, there should be no confusion about the objectives.
Nakapagtataka daw kung bakit ang kagalang-galang na hukom sa halip na humingi ng mas malinaw na basehan sa kanilang pagsamapa ng kasong Murder upang makatulong sa kanyang pagtimbang kung dapat ngang maglabas ng warrant of arrest naglabas ng parang hinuhusgahan na niya ang kaso na walang, treachery, conspiracy and abuse of superior strength higit pa dito ay inorder ang “immediate release” sa isa sa mga akusado na si Velacruz at inutos sa prosecution na amiendahan ang demanda sa loob ng limang (5) araw.
Nilabag nga ba ni Judge Dating ang judicial prerogatives in the determination of probable cause for the issuance of a warrant of arrest? Sinakop nga ba nitong si Judge Dating ang trabaho at tungkulin ng prosecutor sa kanyang mga ginawang order?
Ano ang ipinagkaloob na kapangyarihan dito kay Judge Dating para magbigay ng order na ito na ibaba ang kaso mula sa Murder sa Homicide?
Ang kasagutan daw ayon sa prosecution ay sinagot ni Justice Narvasa sa kaso ng “Roberts Jr case:”
“I agree with the disposition of the case proposed by Mr. Justice Hilario Davide that the determination of whether or not probable case exists to warrant of prosecution court of the petitioner should be consigned and entrusted to the department of Justice as reviewer of the findings of the public prosecutor concerned.”
Hindi saklaw ng kapangyarihan ng Judge na i-review ang findings ng prosecutor at anuman katanungan tungkol dito at kung meron dapat gumawa nito, ito ay ang Secretary of Justice kung meron ngang basehan upang masampahan ng kaso ang isang akusado.
Bago tayo malunod sa mga terminong-legal na karamihan naman sa atin ay hindi abogado (Atony Calvento lang ako), sa ganang akin kung mamarapatin, kagalang-galang na hukom meron talagang patay dito. Si Chief Perez napatay ay binaril ng ilang ulit!
Sa palagay ni Judge Dating walang Murder at Homicide lamang. Bakit naman kinailangan i-utos na pakawalan ang mga akusado?
Hindi kaya mas maganda na nilabasan ng warrant of arrest ang mga akusado at kung mahina ang kasong Murder laban sa kanila, maari namang mag-file ng petition to post bail sila? Maari din bang sa takbo ng kaso nakita mo na Homicide lamang ang nangyari, sa promulgation ng iyong desisyon ipataw mo ang karampatang parusa? Maari din kaya na matapos ng paglilitis mapatunay na walang sala ang mga akusado naglabas ka ng desisyon na NOT GUILTY?
Maraming MAARI sa kasong ito subalit ang katotohanan ngayon nasa labas na ang mga taong inakusahan na umano’y nasa likod ng pagkamatay ni Chief Perez.
PARA SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN tumawag sa 6387285 o 6373965-70 o magtext sa 09213263166 at 09198972854. Maari din kayong magpunta sa aming tanggapan sa 5th Floor City State Center Bldg., Shaw Blvd., Pasig City.
* * *
Email: tocal13@yahoo.com