Pati Marines naman ba, pinupulitika?
ISANG maaliwalas na araw ng Agosto 2010 lumapit ang isang matandang lalaki sa gate ng Malacañang Palace. Pasubali niya sa Philippine Marine na nakatanod: “Gusto kong pumasok para makipagkita kay President GMA.”
Tiningnang mabuti ng Marine si lolo at sumagot: “Sir, hindi na ho si GMA ang President, kaya hindi na ho siya rito nakatira.”
“O sige,” anang matanda at lumakad nang papalayo.
Kinabukasan bumalik ang matanda sa Malacañang gate at nakaharap ang parehong Marine. Ika niya, “Gusto kong pumasok para makausap si President GMA.”
Pasensiyosong tugon ng Marine: “Sir, tulad ng sinabi ko kahapon, hindi na po si GMA ang President, at hindi na siya nakatira dito.”
“O sige,” muling tugon ni lolo bago lumakad papalayo.
Pangatlong araw, lumapit pa rin ang matanda sa Ma lacañang gate at sinabihan ang parehong Marine: “Gusto kong pumasok para makapulong si President GMA.”
“Tanda,” medyo inis nang sagot ng nakatitig na Marine, “Pangatlong araw na sunod na ito na nais mo pumasok para makita si President GMA. At sinabi ko nang hindi na siya President at wala na rito. Hindi niyo ba ‘yon maintindihan?”
Nakangiti pati mata ng matanda sa pagtugon: “Naiintin dihan kita, iho. Ang sarap lang kasing marinig ‘yon.”
Biglang nag-click ng takong sa attention ang Marine, sumaludo, at nagbilin: “Kita tayo muli bukas, sir.”
May hugong-hugong na nagbalak magkudeta ang ilang Marines nu’ng nakaraang linggo. Inis daw kasi sila na pati ang pag-appoint na susunod na Commandant nila ay pinakikialaman ng isang malapit sa President. Hindi na rin nila matanggap ang kasakiman nang walang kabusugang administrasyon at mga alipores nito sa lehislatura, local governments at hudikatura. At kabado sila sa kilos ng Kongreso para panatilihin ang mga sarili at ang Presidente sa puwesto lampas sa 2010.
- Latest
- Trending