Cancer sa larynx

ANG larynx ay ang bahaging kinaroroonan ng voice box at vocal cords. Matatagpuan ito sa pagitan ng trachea at ng pharynx. Dito sa Pilipinas, may mga kaso na ng cancer sa larynx pero hindi kasing-dami ng mga bik-tima sa United States na umabot na sa 13,000 katao ang namatay ngayong 2008.

Sintomas ng cancer sa larynx: Ang pamamaos o pamamalat ng boses ganoon din ang pagbabago ng    tunog nito. Kasunod na sintomas ang soreness sa lala­munan; bukol sa lalamunan; nahihirapang lumunok; nahihirapang huminga; at ang pananakit ng mga taynga.

Dahilan ng cancer: Paninigarilyo ang itinuturong dahilan ng cancer sa larynx. Batay sa pag-aaral, limang ulit na maaaring magkaroon ng cancer na ito ang mga naninigarilyo kaysa hindi naninigarilyo. Ang mga grabeng manigarilyo ay sinasabing 15 hanggang 30 ulit na maa-aring magkaroon ng cancer sa larynx.

Gaano kabigat ang problema ng cancer sa larynx? Tinatayang 40,000 Americans ang nagkadebelop ng     cancer sa larynx at oral cancer ngayong 2008 at 13,000 na ang namatay. Sa mga inalis o tinanggal na ang kanilang larynx kinakailangan nilang matuto ng esophageal speech o maaaring gumamit ng electrical o mechanical device     para makapagsalita. Ang walang kakayahang magsalita ay maituturing na malaking kapansanan.

Nakahahawa ba ang cancer? Hindi ito nakahahawa.

Paano ang treatment sa cancer? Ang paggamot sa cancer sa larynx ay depende sa lawak nito. Radiation the­rapy ang isinagawa sa maliit na tumors na naka-confined sa vocal cords. Kung malaki na ang tumor, ang pagtanggal na sa larynx ang kinakailangan. Ang radiation therapy ay nirerekomendang isagawa pagkatapos ng operasyon para tuluyang mawasak ang mga natirang cancer cells. Chemotheraphy may be used to relieve some of the unpleasant symptoms when a cancer is consi-dered incurable.

Paano maiiwasan ang cancer sa larynx? Huwag manigarilyo. Sa mga nag-uumpisa o nag-aaral pa lamang manigarilyo parti­kular ang mga kabataan, ihinto n’yo na bago maging huli ang lahat. Iwasan ang iba pang irritants sa larynx.

Eighty five percent hang­gang 90 percent na may cancer sa larynx ay maa­aring mabuhay nang limang taon makaraan ang treatment. Kung ang cancer ay kumalat na sa lymph nodes, ang limang taon na survival rate ay bumababa sa 30 percent. Mahalaga na ma-detect ang cancer nang maaga bago pa ito kumalat sa lymph nodes. Kung ang pamamaos at ang pagba­bago ng boses ay tumata­gal nang dalawa hanggang tatlong linggo, dapat nang ikunsulta sa doktor.

Show comments