^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Buwagin na ang PCGG

-

NOON pa dapat binuwag ang walang silbing Presidential Commission on Good Government (PCGG) para napigilan ang mga opisyales sa walang taros na paggastos ng pondo ng taumbayan. Lumo­bo ang gastos ng PCGG officials dahil sa kanilang biyahe sa abroad. Pero sa kabila nang malaking gastos na ginagawa ng mga opisyales, wala namang pakinabang na naidudulot sa sambayanan. Ang ka­nilang tungkulin na bawiin ang ill-gotten wealth ng Marcoses at cronies ay hindi nila nagampanan.

Mula January hanggang June, 2008, nakapag-with­draw na ang PCGG officials ng $958,751 mula sa “foreign litigation fund” na $34.14 million na nakadeposito sa Philippine National Bank. Ang “foreign litigation fund” ay laan para sa mga dayuhang abogado na kinakatulong ng PCGG para sa pagha­bol sa ill-gotten wealth sa abroad. Ang fund na ito ay nilikha ng namayapang dating PCGG chairman Haydee Yorac noong 2004. Sa panahon ni Yorac, hindi nabawasan ang fund at lumago pa ng $59 million. Imbes kasing mag-travel si Yorac at PCGG officials noon, tinatawagan na lamang nila sa tele­pono ang mga dayuhang abogado para makakuha ng update sa ill-gotten wealth na hinahabol ng Pilipinas.

Sa pagkawala ni Yorac, nabago na rin ang pama­mala­kad sa PCGG at wala nang marinig na magan­dang balita ukol sa ill-gotten wealth na kanilang hinahabol. Ang masama, nababawasan ang pondo para sa foreign lawyers na wala namang napapaki­nabang.

Ang mga PCGG official ay nasasangkot sa mga kontrobersiya kagaya ng pag-indifinite leave ni PCGG chairman Camilo Sabio nang masangkot sa legal battle sa pagitan ng Meralco at Government Service Insurance System. Ang PCGG official na si Ricardo Abcede ay nakitang nakikipagsayaw kay dating First Lady Imelda Marcos. Inimbita ni Abcede si Marcos sa birthday niya. Mula noon, nakapagta­takang pawang panalo si Marcos sa mga kasong may kinalaman sa “nakaw na yaman”.

Maraming iniimbestigahan ang Senado na may kinalaman sa paglustay ng pondo. Mababanggit ang fertilizer fund at ang “euro generals”. Sa pagkaka­taong ito, dapat ibaling ng Senado ang tingin sa PCGG ukol sa mga malalaking gastos na ginagawa ng mga opisyal nito. Imbestigahan sila. Panahon na rin para buwagin ang walang silbing PCGG!

vuukle comment

CAMILO SABIO

FIRST LADY IMELDA MARCOS

GOOD GOVERNMENT

GOVERNMENT SERVICE INSURANCE SYSTEM

HAYDEE YORAC

MULA JANUARY

PCGG

SHY

YORAC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with