^

PSN Opinyon

Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -

(Part 1)

IMPORTANTE ang mga kasong ito tungkol sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 par­tikular sa Sec. 36 (c ), (d), (f) at (g). Ki­nu­­westiyon ang nasabing batas dahil lumalabag daw ito sa kara­patan ng tao laban sa pakikialam ng iba, sa walang katwirang paghahalughog at pagkum­piska na maa­aring gawin sa bawat tao at sa kara­patan na tuma­himik at hindi idiin ang sa­rili. Kontra rin daw ang batas na ito sa proseso at sa pagka­ka­pantay-pantay ng bawat tao. Pati ang Sec. (g) at ang re­solusyon ng Comelec na nagpapatupad nito ay kinokontra dahil bukod sa mga kuwalipi­kasyon na nakalahad sa ating Saligang Batas, may idinadag­dag daw na paniba­gong kuwalipikasyon para sa mga kandidatong tatakbo sa eleksyon.

Pinapayagan sa Sec. (c) ang pagkakaroon ng tina­ tawag na “random drug testing” sa mga estud­yante sa pangalawa at pangatlong antas alinsunod sa patakaran at regulasyon na eskuwelahan. Ngunit dapat na malinaw itong nakasaad sa handbook ng estud­ yante at ipinaalam sa mga magulang.

Sa Sec. (d) naman, ang mga opisyal at empleya­do ng mga opisina, maging pampubliko o pribado, sa loob o labas ng Pilipinas, ay kinakailangang su­mailalim sa drug test ayon na rin sa alituntunin at pa­takaran ng kompanya upang mabawasan ang pag­kakaroon ng ganitong insidente sa trabaho.

Sa Sec. (f), lahat ng taong kinasuhan sa pis­-     kal­ya para sa isang krimen na ang hatol ay hindi bababa sa anim na taon ay dapat din na suma­ilalim sa drug test.

Sa Sec. (g) naman, lahat ng kandidatong tatak­bo o ipupuwesto sa isang local o nasyonal na posisyon ay dapat na sumailalim din sa drug test.

Ayon sa Korte Suprema, hindi naayon sa ating Sa­ li­gang Batas ang Sec. (g) at (f). Tanging sec. (c) at (d) lang ang naayon sa Saligang Batas. Pinala­lawak   daw ng Sec. 36 (g) at ng resolusyon ng Comelec ang mga kwalipikasyong nakasaad sa Sec. 3, Art. VI ng Saligang Batas.

Hindi maipag­kakamali na ayon sa nasabing Section (c) ang isang kandidato para sa posisyon na senador ay dapat na hindi nagdodroga bago siya iboto ng tao at kahit pagkatapos niyang maproklama bilang senador. (Itutuloy) 

AYON

COMELEC

DRUGS ACT

KORTE SUPREMA

SA SEC

SALIGANG BATAS

SEC

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with