'Maginoong' Manny Villar
MUKHANG magiging maigting na labanan nina Vice President Noli de Castro at Senator Manny Villar ang darating na presidential elections sa 2010 kung ang pagbabasehan ay ang latest survey ng Pulse Asia na nagpapakitang pangalawa na si Villar kay Kabayan. Sabagay, medyo malayo pa ang 2010 at ang survey results ay pabagu-bago. May mga possible pang mangyari na maaaring magpataas o magpabagsak sa rating ng sino man.
Ito’y post mortem” analysis ng nakaraang kudeta sa Senado. Sabi ng iba, bunga ito ng tumataas na rating ni Villar. Matapos maramdaman na wala nang suporta ang nakararaming Senador sa kanya, si Villar na ang nagkusang nag-resign.
Madalas man natin siyang mabatikos, nagpakita si Villar ng statesmanship sa ginawang pagbibitiw sa puwesto. Kung estratehiya man ng mga senador na katunggali ni Villar sa presidential race ito, mukhang mali. Alam n’yo naman ang Pinoy, laging kumakampi sa inaakala nilang naaapi. Marunong sumakay sa sirkumstan-sya si Villar.
Sa umpisa pa lang ay maiinit na kay Villar ang ilang kasamahang senador sa oposisyon na hindi bumoto sa kanya. Ang dahilan hindi nila nakuha ang komite na nais nilang pamunuan.
Kung ang pagbabatayan ay rating, tumaas ang kay Villar mula sa 14 percent na satisfaction at trust rating ng Senado mula nang maging Senate President siya noong Sept. 2006. Ito ay naging 27 percent noong June 2008 na umabot sa pinakamataas na 32 percent noong Sept. 2007, sa survey ng Social Weather Station.
Samantala, ang trust at satisfaction rating ni Villar bilang Senate President na mula sa 42 percent noong Sept. 2006 ay naging 52 percent noong June 2008 at uma bot sa pinakamataas na 59 percent noong Dec. 2007.
Ayon sa political analyst na si Ramon Casiple, ang pagpapalit ng liderato sa Senado ay malamang konektado lahat sa 2010 presidential elections. Aniya “malaking banta” si Villar sa iba pang “presi dentiables” sa oposisyon dahil siya ang maituturing “nangungunang” aspirante ngayon na posibleng maging susunod na presidente ng bansa. Ang basehan na ito ni Casiple ay suportado rin naman ng mga naglabasang survey ng Social Weather Stations at Pulse Asia kung saan lumitaw na “pangalawa” na si Villar sa rating at halos kapantay na ang no.1 na si Vice President Noli de Castro.
Sinabi noon ni dating Pangulong Joseph Estra da na kung sino man sa kaalyado ng oposisyon na mangunguna sa survey ay siyang dapat maging opisyal na kandi-dato ng oposisyon sa 2010. By all indications, tila ito na nga ay si Villar kung ngayon gagawin ang pilian.
Kaya naman sabi ni Casiple, hindi nakapagtataka na “magtulong-tulong” ang iba pang presidentiables ng oposisyon para mapaalis sa pwesto si Villar. Parang “battle royale” sa wrestling ano?
- Latest
- Trending