^

PSN Opinyon

Kung parurusahan si Dela Paz, isama sina Verzosa at Puno

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

DISMAYADO ang kapulisan sa liderato ni PNP Director Gen. Jesus Verzosa habang ginigisa ang mga ito sa senado. Masakit umanong tanggapin na sa kabila ng kanilang pagsisikap na makatipid sa gastusin ang PNP, sa isang iglap maisasalang ang kanilang mga bossing sa malaking kontrobersiya.

Hindi biro ang P6.93-milyon na nakumpiska kina Dela Paz sa Moscow. Habang ginigiling ang ka­nilang bossing, nangangamba silang hindi na ma­bawi ang pera. Malaki ang epekto nito sa PNP dahil ang naturang halaga ay para sa Intelligence Fund.

Kahit akuin ni dating Comptroller Eliseo dela Paz ang mga pagkakamali, hindi ito basta-basta maba­bawi sa isang iglap. Paano napasakamay ni Dela Paz ang naturang halaga kung walang basbas si General Verzosa at DILG Sec. Ronaldo Puno. Si Puno ang unang dapat nakaaalam sa pondo dahil siya ang pinuno ng National Police Commission.

Kung mapaparusahan si Dela Paz, dapat isama rin sina Verzosa at Puno para ganap na malinis ang PNP, ayon sa mga nakausap ko sa Manila’s Finest. Noong pumutok ang balitang na-hold sa Moscow airport ang mga heneral at mga asawa sa pangu­nguna ni Dela Paz ay agad na nagpuputak si Puno na legal ang halagang dala ng mga ito para pang­gastos umano sa meeting. Ang pera umano na dala nina Dela Paz ay galing sa pondo ng PNP Intelligence Fund na laan para may pambayad sa hotel dahil may kamahalan ang mga bilihin sa natu­rang bansa kaya nagdala ng sandamukal na pera ang mga ito. Subalit kalaunan, lumabas na si Dela Paz lamang pala ang may gusto. Ano ba yan mga suki!

Ginigiling na ngayon ng Senado si Dela Paz. Hilong talilong naman sina Puno at Verzosa sa kalituhan. Habang di magkamayaw sa kasasagot ang mga matataas na opisyales ng PNP, naka­simangot naman ang kapulisan. 

Dahil hindi pa naaayos ni Verzosa ang gusot sa media people, ito na naman at lalong lumaki ang isyu para batikusin kaliwa’t kanan ang PNP.

Labis daw ang pagkadismaya ng kapulisan sa liderato ni Verzosa matapos ipagbawal ang pagpre­senta sa mga suspek sa media. Marami umanong biktima ng krimen ang umalma sa kautusan subalit iginiit ni Verzosa na sinusunod lamang niya ang kautusan ng Commission on Human Rights (CHR)

Lalo pang naging mainit si Verzosa nang ipag­bawal niya sa reporters ang pagbuklat ng police blotters. Weather-weather talaga ang buhay. Dahil natapat sa bad weather si Verzosa, puro sab­lay ang kinahinatnan ng PNP. Di ba mga suki? Abangan!

COMPTROLLER ELISEO

DELA

DELA PAZ

INTELLIGENCE FUND

PAZ

PNP

PUNO

SHY

VERZOSA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with