Si Jocjoc at ang euro generals
DALAWANG explosibong isyu ang kasalukuyang ginigi- ling at hinihimay-himay ng mga senador kung saan nakatutok ang mga tenga ng sambayanan sa pakikinig.
Unang ginisa sa chamber si dating Agriculture undersecretary Jocelyn “Jocjoc” Bolante sa nalusaw na P728-millions liquid fertilizer sa mga kaalyado ni President Gloria Macapagal-Arroyo bago pa ang halalan noong 2004. Nahirapan ang lahat ng mga senador sa katata nong dahil magaling at scripted ang lahat ng isinasagot ni Bolante.
Maganda ang naging resulta para kay Bolante mata-pos na magtago ito ng mahigit tatlong taon sa US at nang dumating ay agad nag-check-in sa St. Lukes Medical Center, he-he-he! Kaya sariwang-sariwa ang utak ni Bo-lante upang sagutin ang lahat ng katanungan ng mga senador na nagbabaka-sakaling makakuha ng pogi points sa audience. Di ba mga suki?
At dahil nga sa nalusaw na ang milyun-milyong sa- lapi na para sana sa proyektong Masaganang Ani ni PGMA ay naglaho na rin ang pag-asa ng mga nagugutom na mamamayan na maparusahan si Bolante at mga kapanalig ni President Arroyo. Get nyo mga suki?
Dinanas na kasi ng mga mahihirap na kababayan kung paano pumila sa outlets ng National Food Authority (NFA) para makabili nang murang bigas. At iyon din ang panahon na naitala sa kasaysayan ng bansa na lumobo sa pinaka-malaking bilang na pag-import ng bigas mula sa Vietnam, Thailand, US at kalapit na bansa. Di ba mga suki?
Kung napasakamay pala ng mga magsasaka ang abono ay di sana natin dinanas ang kakapusan ng bigas noong panahon na iyon. Marahil may kumita ring mga smuggler ng bigas noong tayo’y kinakapos ng stock sa mga bodega ng NFA.
Sa ngayon kahit na marahil madurog pa ang mga daliri ni Bolante sa kapupukpok at pagkastigo ng mga sena-dor ay mapupunta lamang ito sa kawalan at malilibing sa limot.
Dahil ayon sa aking mga kausap mahirap na maparusahan si Bolan-te kung ang mga nakinabang pala sa fertilizer fund ay mismong mga halal ng bayan. Kaya ang moro-morong Se-nate hearing on fertili-zers scam ay drawing na lamang para lamang maipakita sa publiko na pursigido ang mga senador. Paano nga naman mapaparusahan si Bolante kung may ilang senador din pala ang nakatikim ng P5-milyon. Wala di ba mga suki? Kaya nga may ilan pa nga ang halos mapaiyak at nanggalaiti sa galit nang masangkot umano ang kanyang malinis na pangalan.
At dahil sa napapanahon na upang maging guwapo sa mamamayang naghihikahos ang ilang ambisyosong pulitiko ay kuntodo porma at naggagalit-galitan pa nga ang ilang senador sa pagtatanong kay Bolante kung sinu-sino ang nasa likod ng pag-tunaw sa liquid fertili- zer scam. Magandang isyu kasi ito at mahaba-habang panahon din ang magiging balitaktakan sa Senado na pagtitiyagaang subaybayan ng nagugutom na mamamayan. Get n’yo mga suki?
At itong ikalawang isyu ay ang euro-General scam na sa susunod ko na lang tatalakayin habang tinututukan ko pa ng punto por punto ang bakbakan sa Senado. Abangan!
- Latest
- Trending