^

PSN Opinyon

'Maka-mahirap kami' -Ex-Cong. Meniong Teves

- Al G. Pedroche -

KAWAWA naman si dating Rep. Herminio Teves. Kung kailan siya tumanda ay saka pa naiipit sa sigalot sa lupain. Malaki ngayon ang sakit ng ulo niya. Tinutukoy natin ay ang mahigit sa 33 ektaryang tubuhan sa Negros Oriental, ang Caranoche property. Sa diwa ng repor­ mang agrar­yo, inialok ng pamilya Teves ang lupain sa mga bene­pisyaryo nang libre o walang bayad. Bukod pa sa lupang sakahan, bibigyan pa sila ng tig-100 metro-kuwa­drado ng residential lot. Pero balita natin, hindi kun­tento ang mga naturang benepisyaryo.

Well, may matandang kasabihan na kapag inialok mo ang kamay ay hihingin pati ang iyong braso. Sabi  ni ex-congressman na ama ni Finance Sec. Gary Teves, napa­tunayan niya na ang marami sa sinasabing benepisyar­yo ay hindi mga tunay na magsasaka kundi realtors o real estate speculators. Kaya pala hindi kuntento sa alok ng mga Teves. Posible rin siguro na ang ibang nagpo­protesta ay ginagamit ng mga taong interesadong ma­angkin ang lupain para sa personal na layunin.

Sabi nga ng matandang Teves, “kami ay may puso para sa mahihirap at lubos naming kinakatigan ang genuine    land reform.” Naging laman ng pahayagan si Teves at ang kanyang pamilya dahil may mga nagpo-protesta umanong magsasaka na nasaktan sa isang marahas na dispersal.

Ayon sa dating Solon. noon pang Pebrero 2001 ay may petisyon na sa Department of Agrarian Reform na Adju-dication Board (DARAB) na magtakda na ng halaga bi-lang just compensation alinsunod sa batas para sa pinag-uusapang lupain. Pi­tong taon ang lumi­pas pero wa­lang aksyon ang DAR. Kaya ipi­nas­ya na lang ng mga Teves na ipamahagi ng libre ang lupaing ito. Ang ipinamahaging lupain ay sakop ng Bgy. Minaba na ang layo ay 12-kilome­tro lang mula sa city proper.

Pero dismayado si Te­ves nang mapatu­nayang hindi intere­sa­do sa pag­sa­saka ang ilan sa mga bene­pis­yaryo kundi mga spe­cu­lators na posibleng iben-ta lang ang lupaing maku­ kuha nila. Tinata­lakay natin ito dahil kilala ang mga Te­ ves na may pusong maka-mahirap at proponent ng tunay at makabu­luhang Land Reform Program.

DEPARTMENT OF AGRARIAN REFORM

FINANCE SEC

GARY TEVES

HERMINIO TEVES

KAYA

LAND REFORM PROGRAM

SHY

TEVES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with