^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Katawa-tawa si Jocjoc

-

DALAWANG taon na nagtago si dating Agriculture undersecretary Jocelyn “Jocjoc” Bolante. Hindi pinansin ang imbitasyon ng Senado para linawin ang tungkol sa P728-milyon fertilizer fund na ipinamudmod niya sa mga pulitiko, apat na buwan bago ang 2004 election. Nagawa niyang magpabalik-balik sa US at hindi man lang pinaunla­kan ang mga senador para sa hearing ng kontrober­siyal na pon­do. Natapos lamang ang pabandying-bandying na gawain ni Jocjoc noong 2006 nang ares­tuhin siya ng US authorities dahil sa expired na visa. Ikinulong siya. Pero kahit na nakakulong nagawa pa niyang makapag-apply ng asylum sa US. Katwiran niya, may mga nagtatangka sa kanyang buhay sa Pilipinas.

Pero hindi niya kayang dayain ang mga Kano dahil binasura ang kanyang aplikasyon sa asylum. Hindi raw kapani-paniwala na may nagtatangka sa buhay ni Jocjoc. Ipinadeport siya ng mga Kano no­ong October 28.

Nang dumating si Jocjoc sa NAIA ay naka-wheelchair at tila maysakit na tinataglay. Hinang-hina siya na maski ang pagsasalita ay hindi na kakayanin. Ni hindi niya nasagot ang tanong ng mga reporter na nag-aabang sa airport. Idineretso siya sa St. Lukes Medical Center. Ginuwardiyahang mabuti si Jocjoc. Idinaan sa mga lab test at iba pang mga pagsusuri. Ang findings ng mga doctor may ulcer daw ang dating agriculture undersecretary. Bukod sa ulcer, meron pa raw itong ibang sakit kaya kailangang ma-confine sa hospital.

Habang naka-confine sa ospital, maraming nag-rally sa paligid ng ospital. Hiling nila na sabihin na ni Jocjoc ang tungkol sa fertilizer fund scam. Kaila­ngang humarap na siya sa Senado at sabihin ang katotohanan. Pero ang mga pagra-rally at mga pana­wagan ay tila walang saysay sapagkat hindi tumi­tinag sa St. Lukes si Jocjoc. Sabi ng mga senador, ang sakit daw ni Jocjoc ay dramatitis.

Patuloy si Jocjoc sa kanyang kuwarto sa St. Lukes, na ang bayad umano sa isang araw ay P11,000. Sabi pa ng mga doctor, hindi raw makatulog si Joc-joc kaya kailangang manatili pa sa ospital.

Eksaktong 17 araw makaraang ma-confine sa ospi­tal si Jocjoc ay pumayag na rin siyang huma­ rap sa Senado. 

Sa wakas, narinig din ang boses ni Jocjoc. Sabi niya nang humarap sa mga senador, wala raw kina­laman si President Arroyo sa fertilizer scam.

Gustong magkasakit sa puso ang mga senador kabilang si Sen. Miriam Defensor-Santiago. Kaka-tawa di ba?

JOCJOC

KANO

MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO

PERO

SABI

SENADO

SHY

ST. LUKES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with