^

PSN Opinyon

'Ipit Gang'

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

PAPASOK na naman ang Disyembre, ang panahon kung saan nagdadagsaan ang iba’t ibang modus saan mang parte ng Pilipinas.

Isa na rito ang modus ng “Ipit Gang”.

Grupo ito ng mga kolokoy na umaabot hanggang walo o higit pa na naghihintay lamang ng pagkakataong       ma­kapambiktima ng mga kawawang pasahero, parti­kular ng pampasaherong jeepney o bus.

Ang siste, magkukunwaring pasahero ang mga kawa­tan para makasakay sa loob ng bus o jeepney.

Hiwa-hiwalay silang sasakay para hindi mahalatang katarantaduhan pala ang kanilang pakay.

Wais at marunong mamili ng bibiktimahing sasakyan ang Ipit Gang dahil ang kanilang pinipili, yung mga bus o jeepney na halos mapuno na sa dami ng pasahero.

Oo nga naman, mas maraming pasahero, mas marami silang maiipit para biktimahin!

Sa loob ng pampasaherong sasakyan, kanya-kanyang puwesto na ang mga kolokoy para ipitin at dukutan ang mga walang malay na pasahero.

Mapanlinlang kung susuriin, dahil ginagamit ng Ipit Gang ang pagkakataong siksikan ang mga pasahero para isipin ng mga ito na kaya naman sila nagkakagitgitan ay dahil puno ang loob ng sasakyan.

Ang hindi alam ng mga pasahero unti-unti nang nilili­mas ng mga kawatang ito ang kanilang mga dala.

Kalat sa kamaynilaan ang modus na ito kaya binaba­laan ng BITAG si Juan dela Cruz…mag-ingat, mag-ingat, mag-ingat!

Maging alerto at mapanuri sa lahat ng pagkakataon dahil ang mga grupong tulad ng Ipit Gang ay nakama-sid lamang at naghihintay sumunggab kapag may pag-ka­kataon.

Para sa grupo ng Ipit Gang, alam namin kung saan kayo mata­tagpuan. Hindi kami ti­tigil sa pagtugis sa inyo hangga’t hindi kayo tumitigil sa paggawa   ng kalokohan.

Tinututukan kayo ng BITAG!

vuukle comment

CRUZ

DISYEMBRE

GRUPO

HIWA

IPIT GANG

ISA

PASAHERO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with