^

PSN Opinyon

PNP TMG-NCR umabuso sa power

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

BALAK palang sampahan ng ilang Airport Police Force ang Philippine National Police Traffic Management Group ng National Capital Region sa ginawang paglapastangan sa kanilang kasamahan kahit na ito ay nakasuot ng uniporme ng APD.

Nagkaroon ng girian at muntik ng humantong sa barilan last Tuesday ng sitahin ng isang nagpakilalang Serbio at mga kasamahan nitong parak ang isang van na ginagamit ng Lanting Security Guard sa pagpapatrolya sa kanilang bisinidad dyan sa may Manila Old Domestic Airport dahil may blinker at sirena ito.

Sa mainitan pagtatalo ay may nakatanggap ng call ang isang Abuel, isang kawad este mali kagawad pala ng Airport Police Division sa MIAA at mabilis na pinuntahan ang commotion hinggil sa report na nakuha nito.

Inabutan ni Abuel ang pangyayari sa gitna ng kalsada na daan pasahero at mga driver ng pribadong sasakyan ang nanonood todits kaya bumaba ang una sa kanyang marked service mobile police patrol car.

Magalang na nagpakilalang police si Abuel sa mga taga -TMG partikular kay Serbio para alamin kung ano ang nangyayari pero ang masama imbes na sagutin ng maayos ang ating bida ay pinosasan ito kahit unipormado ng nagpakilalang opisyal ng TMG at isinakay sa tsikot kasama ang kanyang service police patrol na dinala sa Camp Crame.

Mabuti na lamang at hindi nakatawag ng back-up si Abuel sa kanyang mga kabaro sa NAIA kung hindi malamang nagbaha ng dugo sa kalsadang papuntang paliparan.

Sumunod na lamang ang mga opisyal ni Abuel ng makarating ang pinosasan police sa Crame matapos sabihin ng Lanting security guard ang nangyari dito.

Nagtataka ang mga kuwago ng ORA MISMO, kung bakit si Abuel at hindi mga security guard ng Lanting na una nilang sinita ang pinosasan at kung bakit hindi ang service vehicle na sinasabing may sirena at blinker ang dinala sa Camp Crame.

Bakit?

Sa pangyayaring ito mabilis na ipinagbigay alam ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang pangyayari sa kaalaman ni Chief PNP Jess Verzosa at sinabi ang istorya.

Sabi nga, walang labis, walang kulang!

Ayon sa asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, mabilis na tinawagan ni Jess ang TMG bossing na si General Palad para malaman ang ginawang kabalastugan ng kanyang mga tauhan sa TMG-NCR.

Napagalaman sa mga airport police na mabilis na ini-release ng TMG ang kanilang aso este mali kasamahan pala kasama ang marked mobile patrol car pauwi sa airport.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, pinagaaralan daw ng grupo ng mga airport police kung anong kaso ang isasampa nila sa mga TMG-NCR na humuli sa kanilang kasamahan at nagpahiya dito sa karamihan ng mga usiserong nanonood sa kalye.

Abangan.

Na-siopao ang mga kongresista dahil no show pa si Bolante

NANIGAS ang leeg ng ilang mga mambabatas sa Kamara sa kahihintay nila kay dating underworld este mali Undersecretary pala Jocjoc Bolante porke dehins ito sumipot sa Kongreso, yesterday.

Sankatutak ang naghihintay kay Jocjoc para masilayan at marinig ang mga sasabihin sana nito sa pagdinig kahapon pero namitig lamang ang kanilang mga binti at nangalay ang mga puwitan ng no show ang kontrabida ng bayan.

Naku ha!

Maganda sana ang balitaktakan gagawin ng mga bright people from the House of Congress.

Sabi nga, ready silang lahat sa question and answer portion.

Ang siste, walang Jocjoc na dumating kaya naman nagdudumilat ang mga mata ng madlang people na naghihintay todits.

Sayang at walang P728 milllion fertilizer fund ang dapat nabigyan ng linaw yesterday.

Daming people sa Congress halos hindi makahinga ang ibang usisero sa room.

Hindi naman nawalan ng pasensiya ang mga kongresista dahil inaasahan pa rin nila next week ay sisipot na si Jocjoc sa Kamara at hindi siya magiging joker?

Abangan.

ABANGAN

ABUEL

AIRPORT POLICE DIVISION

AIRPORT POLICE FORCE

CAMP CRAME

GENERAL PALAD

JOCJOC

POLICE

SABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with