^

PSN Opinyon

Kidnapping, holdup fund raising sa 2010?

- Al G. Pedroche -

NAGING karanasan na ng bansa na kapag malapit na ang election season, tumataas ang kaso ng kriminalidad: Kidnapping; holdup; jueteng; droga.

Kaya ang tanong ng barbero kong si Mang Gustin      “ito kaya’y fund raising ng mga dirty politicians na balak tumakbo sa 2010 national elections?” Well, your guess is as good as mine.

Pero kahit ano mang panahon maganap, ang krimen ay hindi dapat pahintulutang mangyari ng mga taga­pagpatupad ng batas. Kung paminsan-minsan lang nang­­ yayari ang mga buktot na krimen, puwede sigurong pa­lam­­pasin. Pero kung madalas, aba’y ibang usapan na iyan.

Nakapanghihilakbot ang naganap na bank robbery sa loob mismo ng UP campus na ikinasawi ng dalawang guwardiya at isang bank teller. Ang kakatwa, hindi pina­payagang makapasok sa UP campus ang mga kagawad ng Philippine National Police pero bakit nakalusot ang mga unipormadong pekeng pulis na dumale sa armored van ng Philippine Veterans Bank? Masyado pa’ng high-powered ang mga dalang sandata na ang bala’y tumagos sa armored van.

Palibhasa’y tinatawag na “Diliman Republic” ang UP dahil may sariling police force, Hindi puwedeng makialam ang PNP sa mga krimen na nangyayari sa loob ng compound nito. Off-limits makapasok ang mga alagad ng PNP. Ang dahilan, pinoprotektahan daw ang mga student activists laban sa posibleng panggigipit ng mga pulis.

Isang insidente lang iyan. Sa Mindanao, namama­yag­pag na naman ang kidnap-for-ransom activities ng mga tulisang Abu Sayyaf. Nagsimula ito sa pagkidnap ilang buwan na ang nakaraan kay ABS-CBN TV host Ces Drilon na napalaya matapos mag­bayad ng kung ilang milyon pisong ranson. Nagkasunud-sunod na ang insidente. Ka­makailan ay pinalaya naman ng mga bandido ang 24-anyos na nurse na si Preciosa Feli­cia­no matapos magbayad ng ransom ang pamilya niya na umaabot umano sa halagang P1.2 milyon.

Dalawa pang aid worker ang nasa kamay ng mga tuli­san. Ito ay sina Merlie Men­doza at nursing student     Anthony Pilanga at ang ransom demand para sa kani-lang pag­­laya ay dumadagun­dong na P20 milyon.

Hindi pa naman umaabot sa Kamaynilaan at ibang ba­hagi ng bansa ang ganyang insidente pero babayaan pa mang mangyari ito? Pero kung nagtatagumpay ang mga kidnaper sa Basilan na maka­kuha ng limpak-limpak na milyones, malamang maging inspirasyon ito ng ibang gru­po para sila’y gayahin. Iyan ay bagay na dapat tanurang mabuti ng ating kapulisan.

Ang problema, ang mga masasamang-loob ngayon ay halos wala nang kaibhan sa mga pulis dahil sila man ay naka-uniporme rin at high-tech ang bitbit na mga sanda­ta. Sa ganyang mga pangya­yari, lalung nababatikan ang re­putasyon ng ating pulisya. Iniisip tuloy ng marami na ang mga taong dapat mangalaga sa kanila ay siya pang sang­kot sa mga krimen.

vuukle comment

ABU SAYYAF

ANTHONY PILANGA

DILIMAN REPUBLIC

MANG GUSTIN

MERLIE MEN

PERO

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with