Police blotter, bawal na daw silipin ng Media!
ISANG malaking katanungan para sa BITAG ang direk-tibang ipinalabas ng bagong Philippine National Police Chief Jesus Verzosa tungkol sa police blotter noong a-20 ng Oktubre.
Ayon sa nasabing direktiba, ipinagbabawal ang access ng media sa pagsilip ng mga police blotter saan mang police headquarters at station maliban na lamang kung may court order.
Ito daw ay para sa tinatawag na sensitivity of information kung saan kailangang pangalagaan ang pagkakakilanlan ng mga biktima, suspek at sangkot sa krimen lalo na kung mga menor-de-edad.
General Rule na ang police blotter ay isang public record na maaring tingnan at makita ninuman kaya naman pinalagan ito ng lahat ng sangay ng media at maging ang Palasyo naguluhan sa direktibang ito.
Subalit responsibilidad ng pagiging media na magpahayag ng mga nangyayari sa ating kapaligiran kabi-lang na rito ang mga krimen para sa pag-iingat at kaalaman ng lahat.
Isa ang police blotter sa pangunahing instrumento ng media men upang malaman ang kasaysayan, impormasyon at nilalaman ng isang pangyayari.
May pagkakataong nakaranas ang BITAG sa aming mga trinabaho, lalo na’t espesyalidad namin ang reklamo at krimen, una naming sinisilip ang police blotter.
Lalo na doon sa mga pagkakataon na sumbong ng mga biktima na isinumbong nila ito sa mga alagad ng batas subalit walang anumang aksiyong naganap.
Ang siste, kakatwa ang aming mga nakikita. Kapag hinanap na ng BITAG ang blotter, iba ang nakasulat o mali-mali o di naman kaya ay kulang-kulang ang impormasyon na isinulat ng desk officer sa blotter. Ang masahol pa dito, yung pag kakataon na kapag hinanap mo ang blotter e hindi naka-blotter. Hindi isinu- lat at hindi naitala sa blotter report ng pulisya.
Hindi mo malaman kung kasabwat ba, may pinagtatakpan ba, aanga-anga o sadyang hindi iblinotter ang isang pangyayari na hindi alam ng BITAG kung sino ba ang pinuproteksiyunan.
Ilan lamang ito sa mga karanasan namin, hindi namin nilalahat subalit may mangilan-ngilan.
Sa direktibang ito ni PNP Chief Verzosa, baka puwedeng isama o unahin muna siguro ‘yung pagtuturo sa ilang kapulisan natin ‘yung tamang pagbo-blotter.
Huwag niyong pag-bawalan ang media dahil sa blotter makikita ang katotohanan ng pangyayari ng isang krimen. Bilang investigative media, tutol rin kami sa direktibang ito.
Sa huling balita, lilinawin daw ni PNP chief ang isyung ito dahil hindi raw ito pagbabawal kun-di pagsasa-ayos lamang. Nakaantabay rin rito ang BITAG.
- Latest
- Trending