^

PSN Opinyon

Hinahanap na solusyon sa Basilan kidnapping

DURIAN SHAKE -

ISA si Basilan Vice Gov. Al-Rasheed Sakalahul sa mga dumalo sa isang roundtable discussion on Disarmament, Demobilization and Reintegration (DDR) na ginanap sa Marco Polo Hotel Davao noong nakaraang Miyerkules.

Ang rountable discussion ay dinaluhan ni Robert Hannigan, ang Security Adviser ni dating British Prime Minister Tony Blair at maging ng kasalukuyang Prime Minister na si Gordon Brown. Si Hannigan ay siya ring namumuno sa Security, Intelligence and Resilience office ng United Kingdom na may position na Cabinet Secretary.

Andun din sa nasabing forum ang mga kinatawan ng iba’t ibang ahensiya, peace advocacy groups pati na ng Armed Forces of the Philippines at ng Philippine National Police. Pinangunahan ng Office of the Presidential Assistant on the Peace Process (OPAPP) ang pagtitipon na nilalayong maging paraan upang matuto ang mga Pilipino stakeholders sa experience ng Britain sa peace process sa Northern Ireland.

Dumalo si Vice Gov. Sakalahul sa naturang forum na may isang katanungan sa isip niya. Gusto niyang makuha kung ano ang maging solusyon na imumungkahi ni Hannigan sa nasabi ngang problema ng kidnapping sa Basilan.

Isa si Vice Gov. Sakalahul sa mga tumayo at nagtanong kay Hannigan sa open forum. Tinanong nga niya kung ano ang magandang approach sa mga kaso ng kidnapping sa Basilan gayong maraming grupo ang sangkot nito maliban pa sa Abu Sayyaf at ang mga pasaway na elemento ng Moro Islamic Liberation Front (MILF), Moro National Liberation Front (MNLF) at ibang bandidong grupo.

Ang vice governor ay napili ring authorized negotiator ng Crisis Management Committee (CMC) na namamahala sa nangyayaring kidnappings sa Basilan. At ang pinakahuling pinakawalan noong Biyernes ay ang nurse na si Preciosa Feliciano habang nasa kustodiya pa rin ng mga kidnappers ang aid worker na si Millet Mendoza at isang Ateneo de Zamboanga student na si Joel Paderanga.

“Minsan, hindi mo na nga alam kung anong grupo na ang may hawak ng bihag kasi marami silang lumalaro at hindi lang Abu Sayyaf, ” aniya ni Sakalahul.

Inamin ni Hannigan na magkaiba nga ang mga kaso ng kidnapping sa Basilan at maging sa ibang bahagi ng Western Mindanao kung ikumpara sa Northern Ireland na iisang grupo lang talaga ang gumagawa.

“It is a difficult situation,” ayon kay Hannigan noong hiningi ang kanyang opinion.

Ngunit sinabi rin ni Hannigan na kahit anong hakbang ang gagawin ng pamahalaan o ng mga negosyador sa kidnapping, kailangang isipin na ang bawat hakbang ay magkaroon ng impact sa peace process.

“And there are limits to what we can do. But make sure that the rule of law shall prevail even if there is a peace process,” dagdag ni Hannigan.

Medyo may reservations din ang naging reaksyon ng mga military officers na dumalo sa nasabing DDR forum nung pinag-usapan ang paksa ng “decommissioning” na ginawa nila sa mga armadong tao sa Northern Ireland. Dito sa atin tinatawag nating “disarmament” ang nasabing “decommissioning” ng armas.

Sinabi ni Armed Forces Western Mindanao Command chief Lt. Gen. Nelson Allaga na mahirap ipatupad ang nasabing disarmament dahil nga sa maraming armadong grupo ang umiiral, maliban pa sa kultura ng mga Muslim na bawat pamilya ay dapat may baril.

Ayaw din ng MILF na ang disarmament ay mang­yayari habang ongoing ang peace process. Kaila­ngang magkaroon lang ng pagdis-arma pag nagka­pirmahan na ng final peace settlement.

Kaya nga, totoong marami akong natutunan sa ex­perience ng Northern Ireland peace process, ngunit dapat ding isasaisip na ang solusyon sa problema ng mga Pinoy ay nakasalalay sa ating mga kamay.

At kailangan tayong magsimula sa isang napa­kamahalagang bagay, ito ay ang “pagtitiwala”, lalo na ng hindi natuloy ang pirmahan ng Memorandum of Agreement on Ancestral Domain (MOA-AD) sa pagitan ng pamahalaan at ng MILF.

Ayon nga kay Hannigan walang peace process na uusad kung walang “pagtitiwala”.

ABU SAYYAF

BASILAN

HANNIGAN

NORTHERN IRELAND

PEACE

SAKALAHUL

VICE GOV

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with