Pangulo ng US

Naghalal ng bagong pangulo ang US

At sana ang RP sa kanya’y tahimik;

Ang dating pangulong noo’y nakatindig

Ay hindi gaanong tayo’y tinangkilik!

Nagwaging pangulo sa ating paningin

Sa kulay at tikas ay katulad natin;

Bagama’t siya ay bagong kadamdamin

Ang support ng Pinoy kakailanganin!

Suportahan natin si Barack Obama

Upang tayo’y kanyang bigyan ding suporta;

Ngayong naghihirap ang maraming bansa

Kailangan natin kanilang pagsama!

Mga Pilipinong nasa US ngayon -–

Sana’y manatili sa trabaho roon;

Pagka’t alam nating doo’y may resisyon

Huwag tayong idamay sa sakuna roon!

Sana’y pauwiin ng bagong pangulo

Mga kawal nilang ngayo’y nasa gulo;

Sa digma sa Iraq at ibang estado

Sa payapang lugar doon idestino!

Sa mga matinong dito’y palaisip

Sa pananaw nila ay mali ang US;

Kamaliang ito’y kanilang nasilip

Sa armas at bala na ating imported!

Saka itong RP di nila maiwan

Sapagka’t kalasag sa mga digmaan;

Ang base military kahi’t malayo man

Sasaluhin natin “missiles” ng kalaban!

Pagbagsak ng pera sa naturang bansa

Isaayos sana ni Barack Obama;

Huwag n’yang tularan mga maling gawa

Para ang Nine-Eleven di na maulit pa!

Kaya sa pag-upo ng bagong president

Pag-unlad ng US ating idalangin;

Kung mahusay siya’y kanyang sasagutin

Ang mga ayudang sa ati’y darating!

Ang gyera sa Irag pahintuin niya

Upang di lumuha ang maraming ina;

At tayo sa RP kung wala nang gyera

Magiging tahimik saka sasagana!

Show comments