^

PSN Opinyon

Bolante: A sick joke

- Al G. Pedroche -

SIMULA pa lang nang dumating sa airport si dating Agriculture Undersecretary Jocelyn Bolante ay hindi na convincing ang kanyang pagsasakit-sakitan. Talagang sick joke. Katawatawa talaga.

Hagikgik ako sa tawa kay Senate Minority Leader Nene Pimentel nang tawagin niyang “napoleonic pose” ang paghawak ni Bolante sa kanyang kaliwang dibdib na animo’y aawit ng Lupang Hinirang habang itinutulak sa silyang de gulong. Hangga ngayon, habang isinusulat ang kolum na ito ay nakahimlay pa rin sa St. Lukes Medical Center si Bolante. Lying in a hospital bed is a big lie.

Ayon sa medical team na ipinadala ng Senado para suriin siya, wala naman siyang maselang sakit at puwe­deng humarap sa Senado. Kung ako si Bolante, haharap na ako sa Senado at magsasalita dahil hindi na ako sakop ng executive privilege ngayong hasbin cabinet official na ako. Kung iyan ang gagawin niya, lalabas pa siyang bayani sa harap ng tao.

Ang akin nama’y para mabigyang linaw na ang ano­malya sa mahigit sa P700 milyong halaga na dapat sana’y gugugulin sa rice production program ng gobyerno pero nalustay daw sa pangangampanya ni Presidente Arro­ yo nang tumakbo siya sa panguluhan.

Ayon kay Sen. Alan Peter Cayetano, chairman ng blue ribbon committee, hindi ubra sa kanya  ang taktika ni da-ting Agriculture Secretary Jocelyn Bolante. Aniya, wala siyang nakikitang posibleng paraan para makaiwas si Bolante sa paggisa sa Senado sa susunod na linggo.

Maaari lamang daw makaiwas sa pagtatanong ng mga senador si Bolante kung mabubuwag ang Senado o gumawa ng para­an ang Malacañang at ma­sipa sa puwesto si Senate President Manny Villar at mabago ang komposisyon ng mayorya ng Senado.   

Naniniwala si Cayetano na kahit na magdesisyon ang Court of Appeals (CA) upang paboran ang writ of habeas corpus ni Bolante upang makawala ito sa custody ng Senado, maaari naman siyang mag-isyu muli ng panibagong arrest warrant dito. O siya, aba­ngan na lang ang susunod pang mangyayari.

AGRICULTURE SECRETARY JOCELYN BOLANTE

ALAN PETER CAYETANO

AYON

BOLANTE

COURT OF APPEALS

LUPANG HINIRANG

PRESIDENTE ARRO

SENADO

SENATE MINORITY LEADER NENE PIMENTEL

SENATE PRESIDENT MANNY VILLAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with