^

PSN Opinyon

'Tumama kay Uzi'

- Tony Calvento -

NAUSO ANG SALITANG “UZI” nung kasagsagan ng Coup-de-Etat at bombahan na nangyayari sa pagitan ng mga rebeldeng sundalo at mga sundalo na loyal sa gobyerno.

Nagbobombahan ang dalawang kampo, Aguinaldo at Crame, kung saan marami na ang nasaktan at nadamay sa gulo. Ang “Uzi” ay hango sa salitang Uzisero o mga “kibitzers” na mahilig manood at makialam kahit hindi sila sangkot sa usapan.

October 15, 2008 ng pumunta sa aming tanggapan si Ed­gardo Esquivel 58 taong gulang. Hiwalay sa asawa at mag-isang tumataguyod sa apat na anak.

Idinulog niya ang insidenteng muntikan ng maglagay sa buhay ng kanyang bunsong anak na si Jericho Esquivel sa hukay.

Si Jericho ay 17 taong gulang, third year high school at nakatira sa Taguig City.

June 14, 2008 alas dose ng madaling araw naka-istambay si Jericho kasama ang kanyang mga kaibigan sa bilyaran malapit sa kanilang bahay.

Habang naglalaro sila ay may narinig silang sigawan na para bang may kaguluhang nangyayari.

Lumabas si Jericho kasama ang kanyang mga kaibigan upang malaman at maki-usyoso sa mga nangyayari. Nakita nilang may mga nagkakagulong matatanda sa di kalayuang lugar.

Dahil sa halos magkatapat lang ang presinto at bilyaran ay agad rumesponde si SPO1 Edward Lapeña.

Nagpaputok ng baril si SPO1 Lapeña ngunit hindi ito pinansin ng mga tao at patuloy pa rin sa pagkakagulo.

Ayon kay Jericho nagpaputok ulit si SPO1 Lapeña ng baril at sa pagkakataong ito nakatutok na ito sa mga tao.

“Tumigil ang kaguluhan. Ilang sandali lang ay naramdaman ko na namanhid ang aking kanang binti at nakita kong puro dugo na rin ito. Pinilit kong makapunta sa may bilyaran. Hindi ako makalakad kaya tumalon talon nalang ako at pagdating ko dun ay natumba na ako dahil sa tinamo kong tama ng bala,”ayon kay Jericho. 

Dagdag pa ni Jericho na habang siya’y naka-upo pinuntahan siya ni SPO1 Lapeña at tinangal ang magazine ng kanyang baril at tinanong kung anong nangyari sa kanya.

Sinabi ni Jericho na nabaril siya. Sinagot siya ni SPO1 Lapeña ng “Hindi ka nabaril natako ka lang!”.

Ayon kay Jericho hindi naka-uniporme si SPO1 Lapeña at naka-inom dahil namumula ang mga mata at mukha nito at amoy alak.               

Dumating ang mga pulis sakay ng kanilang mobile at dinala si Jericho sa Rizal Medical Center kasama si Edgardo (tatay ni Jericho). 

Habang natutulog si Jericho ay pinuntahan siya nila Errol Dupyo at Walter Nebres mga kaibigan ni Jericho upang sabihin ang nangyari.

Pagadaing nila sa ospital ay dun nalaman ni Edgardo ang buong pangyayari.

Kina-umagahan ay nagpunta si Edgardo sa presinto upang alamin ang pangalan ng pulis na nakabaril sa kanyang anak at para maka-usap na rin.

Ayaw magbigay ng impormasyon ang naka-usap ni Edgardo. Wala raw silang alam tungkol sa pulis na nakabaril.

“Maaari ba yun? Anim pa nga ang daliri niya dahil nakita ng anak ko,”ayon kay Edgardo. sinagot raw siya nito ng “Sige dalhin mo dito ang testigo mo kung may testigo ka para ibigay ko ang pangalan niya”.

Naisip agad ni Edgardo na kung dadalhin niya ang mga testigo niya ay baka takutin lang ng mga pulis.

Walong araw nanatili sa Rizal Medical Center si Jericho.

Inereklamo ni Edgardo si SPO1 Lapeña ng Administrative Case sa Camp Crame.

August 5, 2008 lumabas ang resolution na pinirmahan ni Police Superintendent Jaime Garcia Soriano-Summary Hearing Officer at ayon dito na na-demote ng isang ranggo si SPO1 Lapeña.

May 7, 2008 nagfile ng kasong Attempted Homicide sa Cityhall ng Taguig si Edgardo. Ang sabi kay Edgardo maghintay nalang ng subpoena na dadating.

Nagtaka si Edgardo dahil maglilimang buwan na at wala pa ring dumadating na subpoena sa kanila.

September 2008 ng magpasya siyang magfollow up sa Prosecutors Office ng Taguig.

Nalaman nila na si Prosecutor Jaime Cubillo ang may hawak ng kaso nila.

Pinuntahan nila ito para maka-usap. Nagkataong wala si Prosec. Cubillo kaya ang secretary nalang nito ang naka-usap ni Edgardo.

Sinabi ng secretarya nito na ilang beses na pumupunta si SPO1 Lapeña at sila Edgardo ay parating wala.

Ipinaliwanag ni Edgardo na wala silang natatanggap na subpoena.

Katapusan ng September ng naka-usap ni Edgardo si Prosec. Cubillo. Tinanong ni Prosec. Cubillo kung bakit ngayon lang sila pumunta at ibinigay ang kontra salaysay ni SPO1 Lapeña para sagutin nila.

“Gusto kong mapanagutan niya ang pagiging iresponsable niya. Para hindi na ito maulit sa iba at maging leksyon sa nakararami. Buti nalang sa binti lang ang tama ng anak ko at nabuhay pa ito,” pahayag ni Edgardo.

Binigyan namin sila ng referral kay Taguig City Prosecutor Archie Manabat para malaman ang “status” ng kanilang kaso at para naman masagot nila ang kontra salaysay ni SPO1 Lapena.

 Sa isang pakikipag-ugnayan kay Prosec. Manabat sinabi niya sa akin na bibigyan niya ng oras sila Edgardo upang masagot ang mga sinabi ni SPO1 Lapeña at hindi magtatagal ay maglalabas sila ng resolution sa kasong ito. (KINALAP NI JONA FONG)

Sa mga gustong dumulog sa aming tanggapan ang aming mga numero, 09213263166 o sa 09198972854 at ang aming landline ay 6387285. Maari din kayo magpunta sa 5th floor CityState Center Bldg., Shaw Blvd., Pasig City.

Email: [email protected]

EDGARDO

JERICHO

LAPE

NIYA

NTILDE

PROSEC

SPO1

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with