^

PSN Opinyon

America heals itself

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. -

NATAWAG siyang Transformational. Ang kanyang pag­kapanalo: Inspirational, poetic, historic, phenomenal. Ang pagsampa ni US President-elect Barack Obama sa entablado ng mundo ay may napakalaking impluwensya sa kinabukasan. Subalit para mauunawaan ang kabu­luhan nito’y kailangang balikan ang nakaraan.

Saksi ang mundo sa tindi ng diskriminasyong tiniis nang maraming henerasyon ng African-American. Dama ng bansa ang lalim ng kahihiyan ng mantsang ito sa kanilang kasaysayan. Ang panalo ni Obama ay tagumpay din ng buong bansa. Ang Amerika ay naghugas ng konsensiya. Ang Amerika ay nagpatupad ng pangarap. Sayang na kung kailan sila nagkaroon ng kredibilidad manghimasok, lalo na sa larangan ng Human Rights, ay siya namang deklara ni Obama na mag-concentrate   muna siya sa Amerika bago sa ibang bansa. Siguradong mas tatanggapin sana ng mundo ang “pakikialam” ng isang tunay na Global President: Lahing Africa at America, laki sa Asia, Kristiyano sa pananampalataya      na may pa­ngalang Muslim.

Mahabang selebrasyon at euphoria sa buong mundo. Huwag sana masyadong kakapit sa pag-asa dahil oras mag-umpisa na ang termino ni Obama, napakalaking reality check ang bubulaga sa mga Kano.

Binilang na ni Obama sa kanyang acceptance speech ang 1-2-3 na pamana ni Bush: (1) two wars; (2) a planet in    peril; at (3) economic crisis. Gaano man kaganda ang kanyang plataporma sa kampanya, lahat ng kanyang pinanga­kong gawin ay kailangan pa rin ng suporta ng US Congress. Kahit hawak na niya ang mayorya sa dala-    wang Kamara, hindi siya mag-iisa sa pagpasya dahil wa-lang diktadurya sa Amerika. At huwag maniwalang iyang 1-2-3 lang ang aatupagin. Baka sa araw-araw lang na pamamalakad nang pi­na­kamalaking pama­halaan sa mundo at sa daming hindi inaa­sa­hang krisis na kaila­ngang harapin ay uma­apaw na agad ang pla­to ni President Obama.

Hindi rin mawawala ang oposisyon; ang mga gru­pong may pansa­riling inte­res na, sa ka­walan ng pat­nubay, ay hahad­lang sa kanyang mga magan­dang inten­syon at maa­ring pag­tangkaan pa ang kan­yang pagkatao. Suba­lit sa pina­malas niyang kakaibang determi­nas­yon at kalma­dong pulso sa mukha ng katakut-takot na dinaanang pag­subok, buo ang pani­wala ng lahat na kaya ni­yang pangata­wa­nan ang pagbabagong pi­na­ngako.

Kay Pres. Barack Oba­­ma, ating pagpu­gay, pag­­ha­nga at dasal na sana’y mag­patuloy ang kanyang ta­gum­pay.

US PRESIDENT-ELECT BARACK OBAMA       

GRADE:         100

 

AMERIKA

ANG AMERIKA

BARACK OBA

BARACK OBAMA

GLOBAL PRESIDENT

HUMAN RIGHTS

KAY PRES

OBAMA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with