^

PSN Opinyon

Amvasc BE: Pinakamabisang gamot sa altapresyon

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong -

GOOD news kaibigan! May bagong labas na gamot para sa altapresyon na mabisa at mura pa. Ang tinutukoy ko ay ang Amvasc BE 10 mg, na gawa ng Unilab-Therapharma. Ang generic name nito ay Amlodipine.

Bakit ko nasabing mabisa ang Amvasc BE? Heto ang mga dahilan:

1. Malakas magpababa ng presyon ang Amvasc. Marami sa ating kababayan ay nabibigyan ng ibang gamot, tulad ng metoprolol, para sa altapresyon. Mahi­nang gamot ang metoprolol. Kung ang presyon mo ay lampas sa 160 over 100 mm Hg, kailangan mo nang malakas na gamot, tulad ng Amvasc BE.

2. Matagal ang bisa ng Amvasc. Ang isang tableta ng Amvasc ay kayang magpapababa ng presyon sa loob ng 24 hanggang 48 oras. Napakabisa nito. Walang laban ang mga gamot na Captopril o Diltiazem na 8 oras lang ang bisa. Ang ibig sabihin, pagkatapos ng 8 oras, hindi na kontrolado ang iyong presyon. Delikado po ito at baka ma-istrok o ma-heart attack ang pasyente.

3. Ito ang sekreto ng mga Cardiologists. Alam naming mga espesyalista sa puso ang lakas at bisa ng Amvasc. Kung hindi makontrol ang inyong blood pressure ng ibang gamot, subukan ninyo ang Amvasc.

4. Ito ang gamot ng lola at tatay ko. Dati rati, hindi pa Amlodipine ang binibigay ko sa aking mga pasyente. Dahil dito, na-istrok tuloy ang aking lola dahil ibang gamot pa ang binigay ng kanyang doktor. Pero ngayong espes­yalista na ako sa puso, Amvasc na ang binibigay ko sa aking pasyente.

Paano binibigay ang Amvasc?

Kung ang blood pressure ninyo ay lampas sa 140 over 90 mm Hg, puwede ang Amvasc sa inyo. Ang Amvasc BE 10 mg ay nagkaka­ha­laga ng P24 bawat tab-let­a. Ngunit karami­han ng pasyente ay na­nganga­ilangan ng 5 mg o kala­hating tableta lamang. Kaya ang gas­tos ninyo ay P12 la­mang bawat araw. Mura na, hindi ba?

Magtanong po sa in­yong doktor tungkol sa Amvasc. Sa hala­gang P12, makaiiwas kayo sa istrok at atake sa puso. Hahaba pa ang inyong buhay.

* * *

Nagpapasalamat kami kay Mr. John Dumpit, ang General Manager   ng Unilab-Therapharma, at kay Ms. Wenchie Keyser, sa kanilang ma­laking donasyon para sa Philippine STAR’s Ope­ration Da­mayan. Mala­king tu­long ito sa mga mahihirap na pasyente. God bless po!

(Kung may tanong kayo sa Amvasc, tuma­wag lang sa hotline ng Unilab-Therapharma sa telepono 637-4890 at 1-800-10-6-Health (4325­84). Libre po ang tawag dito.)

AMLODIPINE

AMVASC

ANG AMVASC

GAMOT

GENERAL MANAGER

MR. JOHN DUMPIT

SHY

UNILAB-THERAPHARMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with