^

PSN Opinyon

Obama: Ika-44 na US President

K KA LANG? - Korina Sanchez -

NOONG Martes, ibinoto ang ika-44 na Presidente ng United States. May bagong pahina ang kasaysayan ng US sa paghalal ng kauna-unahang itim na Presidente — si Barack Obama!

Nakita na naman kung paano dapat magpatakbo ng isang election na mabilis, maayos at walang bahid ng pagdududa. Mga resulta na nalalaman sa ilang oras lamang, at hindi sa ilang linggo o buwan pa nga! At wala rin tayong nabalitaan na kandidatong binaril, pinatay o tinangkang patayin o saktan noong panahon ng panga­ngampanya! Malayo pang mangyari sa pulitika ang ganyang tahimik na pangangampanya! Marami pa ang pinagkaiba ng eleksyon sa US sa RP. Nandiyan ang kahalagahan ng tinatawag na electoral votes -– na mahi­rap talagang intindihin. Hindi lang paramihan ng boto, kundi may mga lugar na mas mabibigat ang boto kaysa sa iba, depende sa laki ng estado at dami ng populasyon. At hindi rin ibinoboto ang vice president. Kasama na siya sa mananalong president. Dito hindi mangyayari iyan, kaya puwede talagang magkaaway ang president at vice president habang sabay nilang pinatatakbo ang bansa! At isa pang pagkakaiba sa atin, mga pagsusuri bago maganap ang eleksyon at ng mga exit poll ay halos ipakita na kaagad kung sino na ang mananalo. Dito, maraming milagro pa ang puwdeng mangyari bago malaman kung sino na ang nanalo. 

Pero may saysay ba sa ordinaryong Pilipino ang bagong President ng US, lalo na sa panahong ito na tila kapit-kuko na lang ang karamihan para makaraos lang? May mga ekspertong pulitikal na nagsasabi na si Obama, ipinanganak sa Illinois at tumira sa Hawaii, ay makakabuti para mga minoridad, kasama na ang mga taga-Asya. Ang Illinois ay pangalawa sa states na may pinakamaraming Pilipino. Tumagal siya sa Hawaii kung saan marami ring Pilipino. Kaya sa tingin ng marami, mas mailalapit ang mga daing at isyu sa kanya, dahil sanay na sa mga Pilipino, mga mino­ridad, mga taga-Asya. At katayuan ni Obama ang hindi makialam sa mga problema ng ibang bansa kung hindi naman kaila­ ngan, at hindi pala-digma­an ang paniniwala. Tila natuto na sa mga kapal­pakan ni George W. Bush!

Sa isang dako, ayon kay UP Prof. Felipe Me­dalla, kung nanalo man si McCain, mas bukas siya sa pagpasok ng mga da­yuhan sa US, maluwag na pangangalakal sa mundo at pagtatayo ng trabaho sa labas ng US. Pero may pagka-walang galang kasi si McCain, mainitin ang ulo at may mga okasyon na hindi popular kahit sa mga kakampi. Gawa na siguro ng kanyang kara­na­san sa pagiging sun­dalo noong digmaan sa Vietnam. Parang may ki­la­la akong Presidente na ganyan na ganyan din, pero wala namang digma­ang nilabanan!

Pero para kay Obama, na ngayo’y pinuno ng pi­naka-makapangyarihang bansa, tila isang magulo at malaking sakit ng ulo ang mamanahin. Ano ang mga magiging programa niya at solusyon, para mag­patupad ng pagbabago sa isang mundo na hina­hagupit nang malawa­kang krisis ekonomical at digmaan sa ilang lugar? Kahit Republicans — mga kalaban sa pulitika ni Oba­ma – ay sang-ayon sa pa­nanaw ni Prof. Medalla na si Obama ay nasa ta­mang lugar, sa tamang pa­nahon. Pa­ ni­niwala ni Medalla na habang si Mc­Cain ay ma­­buti rin sana para sa Pili­pinas at mga Pilipino, ang mga pang­ma­tagalang benepisyo ay maibibigay ng mas kal­madong si Obama. Ang mga imahe niya na kal­mado sa gitna ng kagu­luhan, pagkaka-isa sa gitna ng salunga- tan at mga pagbabago, ang naglagay sa kanya    sa White House.

ANG ILLINOIS

ASYA

BARACK OBAMA

DITO

OBAMA

PERO

PILIPINO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with