Mapayapa ang election sa US
NGAYON ang election dito sa US. Sabi ng ilang kaibigan na matagal nang bumuboto, maayos ang botohan. Walang hakutan at bilihan ng mga boto rito. Wala ring takutan ng mga botante. Wala ring agawan ng balota. Mabilis daw ang bilangan at walang dayaan. Malalaman kaagad ang resulta sa voting centers sa loob ng araw na ito. Nalalaman na kaagad sa loob ng 48 hours ang mga nanalo.
Para mapatunayan, nag-ikot ako sa mga voting centers dito sa US para mag-obserba kung paano bumuboto ang mamamayan dito.
Nakita kong organisado at wala ngang kaguluhan kahit napakaraming bumuboto. Mahaba ang pila ng mga boboto subalit maayos at mabilis ang usad ng pila. May namimigay ng campaign materials ang supporters ng mga kandidato. May ipinamimigay ding candies at biscuits.
Hindi masyadong mahigpit sa presintong pinagbobotohan sapagkat puwedeng magsama habang bumuboto ang isang botante. Ako na nag-uusyuso lamang ay nakapasok sa loob ng presinto. Pagpasok ng botante sa presinto ipakikita niya ang voter’s registration card. Mabilis itong itse-check ng election clerk sa computer at saka bibigyan ng access code number ang botante. Papindut-pindot lamang ang botante. Maliwanag naman ang instruction kung ano ang mga pipindutin. Sa loob lamang ng limang minuto, tapos na ang pagboto kahit maraming ibinoboto. Maliban kasi sa president, vice president, senator at congressmen, ibinoboto rin ang judges at constable.
- Latest
- Trending