MAINIT na isyu, bukod sa pagdating ng kontrobersyal na dating Agriculture USEC Jocjoc Bolante ang mga tinatawag na “Euro Generals” na nasabat sa Russia sa pagbibitbit ng napakalaking halaga. Pero mukhang “tip of the ice-cream” (he-he-he) lamang ito. Isang sulat ang tinanggap natin mula sa mga nagpakilalang concerned employees ng National Mapping and Resource Information Authority (NAMRIA) ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Hindi lang daw ang “Euro Generals” ang nagpapasasa sa salapi ng bayan kundi ang ilang opisyal ng NAMRIA na sang-kot sa junket o ‘biyaheng-pasarap” in the guise of official trip na nakakakuha ng milyones na cash advance.
Kung si dating PNP comptroller Eliseo dela Paz ay naharang sa paliparan ng Moscow dahil sa 105,000 Euros o katumbas ng P6.9 milyon, isinumbong sa atin ng mga NAMRIA emplo-yees na ang kanilang bossing na si ret. Gen. Diony Ventura na administrador ng NAMRIA ay dapat daw mag-eksplika sa na gastos na P2.2 milyon sa anim na araw na paglalakbay sa anim na bansa sa Europa kasama ang “walo-kataong delegasyon.”
Ang junket ay malaon nang sakit sa gobyerno. Panahon pa ni kopong-kopong ay naririyan na iyan at talagang dapat nang maputol ito lalo na sa panahon ng economic crisis.
Base sa computation ng mga “concerned employees” umabot sa katumbas na P47,864 ang gastos araw-araw ni Ventura sa naturang biyahe gayung sa ilalim ng EO 298 na pirmado ni Presidente Arroyo, ang pinapayagang per-diem ng mga nagbibiyahe sa mga opisyal na paglalakbay sa ibang bansa ay US$229 o katumbas ng P11,450 isang araw.
Bukod kay Ventura, kasama rin umano sa biyaheng ito sina NAMRIA legal consultant Mariano Santiago; Roberto Almueta, OIC ng finance division; Jose Galo Isada, director II; Roberto Factora, COA auditor na naka-assign sa NAMRIA; Nora Oliveros, director IV at Jane Abella ng DBM. Mayroon pa raw isang nasa entourage pero hindi tumuloy. Ito at si Efren Carandang, director II.
Batay sa dokumentong bitbit ng mga concerned emplo-yees, ang biyahe mula Oktubre 18-24 ay naka-charge sa Philippine Extended Continental Shelf (ECS) project ng NAMRIA at ang kabuuang halaga ng biyahe ay dumadagundong na US$ 46,054 o P2.2 milyon. Sabi pa ng mga empleyado, ang naturang biyahe sa Europa ay walang kinalaman sa proyektong pinagkunan ng pondo.
Ang nakuhang per diem umanbo nina Almuete, Isada, Santiago, Factora, Oliveros at Abella ay tig-US$ 3,420 samantalang ang kay Carandang ay US$1,945. Bukod diyan, gumastos din daw ang delegasyon ng tig-US$2,256 bawat isa sa plane ticket at tig US$814 sa EuRail Passa sa anim na bansang pinuntahan.
Umaasa akong sasagot ang grupo ni G. Ventura para malinawan ang usaping ito. Wala namang problema kung legal at ayon sa batas ang biyahe pero kung hindi, pagwawaldas iyan ng pera ng bayan.
Kaya sabi ng mga nagrereklamong NAMRIA em- ployees, umaasa sila na bibigyang-pansin din ito ng Se-nado gaya ng pagbibigay pansin sa kasong kinasang- kutan ni ret. general dela Paz at mga kasamahan nito.