The death of separation of powers
Sa programa ni kapitbahay Korina, nainterbyu si Gen. Nicanor Bartolome, PNP Spokesman. Hindi na magkandaugaga ang PNP sa pagpapaliwanag tungkol sa PhP6.9 Million ni Gen. de la Paz. Sa bayang nakikinig, hindi na ito nakakagulat. Tulad na rin nitong pag-uwi ni Agriculture Undersecretary Joc-Joc Bolante. Kay raming isyu na kailangang liwanagin at panagutan tungkol sa PhP728 milion fertilizer fund scam subalit tila malamig na ang pagtanggap ng tao sa balita. Para bang media na lang ang nag-iinit sa mga kaganapan at ito’y dahil kaila ngan nila ng balita para maisulat nang bumenta ang mga dyaryo at programa. Mayroon pa bang natirang hindi nakakatulog sa kawalan ng reso- lusyon ng ZTE-NBN, MOA-AD, Jose Pidal, at siempre, ng Hello Garci?
Tinawag na impeachment o people power fatigue ang kakulangan ng pagkilos mula sa hanay ng taumbayan. Pagod na daw ang tao sa EDSA. Sa huli ay sa atin din ang bagsak ng sisi – ika nga ay the people get the government they deserve. Kung pinapayagan nating gawin sa atin ang mga kawalanghiyaang ito, hindi ba tayo rin dapat ang managot?
Ang hindi nakikita ng ganitong argumento ay ang laki ng papel ng Supreme Court at ng Kongreso sa ating kawalan ng puwersa at pag-asa. Kung hindi dahil sa kanilang hayagang pagtatakip sa mga kalokohan ng palasyo, hindi ito mabibigyan ng anyo ng legalidad na siya namang tumatayong balakid sa pagkilos. Hindi lang ang executive ang kontrabida sa dulang ito – pati ang legislative at judicial branches ay nakiisa.
Ang saligang batas ay deklarasyon laban sa pamumuno ng mga HARI AT REYNA na hindi na kailanman dapat maulit ang pagtitipon ng lahat ng kapangyarihan ng estado sa iisang tao. Kaya isinilang ang prinsipyo ng pagbahagi ng tatlong malaking kapangyarihan sa isang Executive, isang legislative at isang judicial branch.
Hiniwa-hiwalay ang mga puwersa dahil ang aral ng kasaysayan ay kapag lahat nito’y pinagsama sa kamay ng iisang tao, hindi mapipigil ang pag-abuso nito.
Sa ipinamamalas ng ating mga kagawaran ng gobyerno, ang tanong ay ito: Buhay pa ba ang Separation of Powers? Mayroon pa ba tayong Konstitusyon?
- Latest
- Trending