^

PSN Opinyon

Mag-ingat sa mga bibilhin at kakaining pagkain!

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

NITONG Lunes ay napabalita sa mga pahayagan na isang produktong pagkaing gawa sa Pinas ay nagpositibo sa ma­pa­­nganib na kemikal na melamine.

Sa kauna-unahang pagkakataon, pagkaing gawa sa ating bansa ang nadiskubre sa isang pagsusuri sa bansang Hongkong na positibo sa nasabing kemikal.

Ipinagbawal na ng Department of Health (DOH) ang pag­bebenta at pag-aangkat ng Sunflower Crackers Blueberry Cream Sandwich. Ipina-pull out na rin ng Sekretaryo ng DOH ang produktong ito sa lahat ng pamilihan.

Ayon sa manufacturer ng nasabing produkto, ang Cro-ley Foods Manufacturing Corporation na matatagpuan sa Nova­liches, Quezon City, maging sila ay nagulat sa resulta ng pag­susuri ng Hongkong. Dagdag pa ni Jeremiah Lim, tagapag­salita ng kumpanya, mayroon daw silang certification mula sa nagsusuplay sa kanila ng gatas na ligtas ito    sa melamine.

Naglalaro tuloy sa isipan ng BITAG, hindi kaya gina­gantihan lamang tayo ng bansang tunay na pinagmulan ng kemikal na melamine?

Hindi ba’t sandamakmak na produktong pagkain nila ang nasuri na rin dito sa ating bansa at halos lahat ito ay nag-   positibo sa melamine? Ito’y hindi panghuhusga kundi, kata­ nungan lamang na hindi maiiwasang itanong bilang isang mamamayan.

Ganunpaman, maluwag namang tinanggap ng nabang-git na kumpanya ang desisyon ng DOH sa pag-ban ng kanilang produktong Sunflower Crackers Blueberry Cream Sandwich.

Ang paggalang at pag­tanggap sa desisyong ito ay hindi dapat ikahiya dahil hindi ito kasiraan kundi pag­tulong mismo ng kum­pan­ya na mapanga­la­gaan ang kalusugan ng ating mga kababayan.

Para sa mga tagasu­baybay ng kolum na ito, nais ng BI­TAG na mag­bigay rin ng babala sa pag­bili at pagkain ng mga pro­duk­tong pag­kain.

Laging isipin ang ka­ligtasan ng sarili at mga mahal sa buhay sa mga bibilhing pagkain. Hindi porket masarap sa pani­ngin o mura sa presyo ay ito agad ang pipiliin.

Lalo na ngayong pa­ la­pit na ng palapit na ang araw ng Pasko, marami na namang produktong pagkain ang magla­laba­san sa mga pamilihan.

Laging maging ma­pa­nuri at bukas ang isipan sa mga nangyayari sa paligid. Makakakuha ng mga tips sa mga bibil-hing pagkain sa pagtutok sa tele­bisyon, pakikinig sa radio o pagbabasa ng diyaryo. Mag-ingat, mag-ingat, mag-ingat!

DEPARTMENT OF HEALTH

FOODS MANUFACTURING CORPORATION

JEREMIAH LIM

PAG

SHY

SUNFLOWER CRACKERS BLUEBERRY CREAM SANDWICH

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with