^

PSN Opinyon

Kapalpakan ng FEDEX

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

SA unang patustada pa lamang ni Alfa Mae Comendador ay malaki na ang tiwala nito sa Federal Express dahil ang company ay isang worldwide courier service na you can trust, reliable at safe.

Sabi nga, ito ang akala ng iba pero kay Ms. Comendador ay hindi pala.

Ako si Alfa, ay apo, anak, kapatid, sister in law ng isang Mason na humingi ng tulong sa Chief Kuwago para makuha ang FEDEX package na may tracking no. 865858345103.

Syota ni Alfa ang nagpadala sa kanya ng package from Arizona, US of A last October 9, 2008 ang laman ng package ay confidential documents (affidavit of support etc) at singsing (heirloom) echetera.

Sabi ni Alfa, per Fedex Tracking Report natanggap ito ng Fedex Parañaque (Head Office) last October 13, 2008 mabilis niya itong pina-follow up last October 17 (Friday) morning sa San Pablo City Facility dahil ganado siya sa sopresa ng kanyang love one na ipina­dala sa kanya.

Ang problema ay pinaikut-ikot ako ng mga taga-FEDEX ay ilang beses din ako pinatatawag sa kani-kanilang offices porke hinahanap daw nila ang package ng aking syota.

Bida ni Alfa sa mga kuwago ng ORA MISMO, may matinding problema yata ang FEDEX regarding sa surprise gift ng syota niya sa kanya kaya nagpadala ito ng mga email sa customer service (Asia-pacific at US) at after three (3) days saka nag reply at sinabing lost package at babayaran na lamang nila toits.

Kwento ni Alfa sa mga kuwago ng ORA MISMO, nagsagawa daw sila ng masusing imbestigasyon regarding this matter at ang sabi sa ating complainant we are sorry for the inconvenience.

Naku ha!

Inis na inis si Alfa, ano nga naman ang magagawa ng ‘Im sorry’ na sinabi ng FEDEX sa kanila?

Sabi ni Alfa, nagtiwala ang syota ko sa FEDEX na makakarating ng maayos ang kanyang love gift sa akin iyon pala mawawala lamang at dito sa Philippines my Philippines tinira ang package.

Ika nga, iyon lang!

‘Paano ngayon ang ma-e-erap na madlang people sa Philippines my Philippines na alaws alam sa pag-follow up ng kanilang lost package from aboard este mali abroad pala?’ tanong ng kuwagong mailman.

‘Kahit na may tracking number basta binira ang package mo ng mga kamote dyan sa FEDEX alaws kang magagawa.’

Sabi ni Alfa, ang syota niyang kano ang nagkaka-problem ngayon porke nayari ang kanyang mga important documents at ang identity nito nakasalang dahil sa mga confidential docs na ninakaw.

‘Ano ngayon ang gagawin ng FEDEX sa package ni Alfa?’ tanong ng kuwagong maninikwat.

‘Bayaran’

‘Paano ang mga importanteng dokumento sa loob ng package puede bang basta na lamang bayaran ito?’ tanong ng kuwagong nautakan.

‘Kamote, ito ang problema.’

Abangan.

Kapalpakan ng Big 3 companies

BAGSAK as in sadsad ang presyo ngayon ng oil products sa buong mundo kaya naman sangdamukal na madlang people in all walks of life ang nagpapasalamat.

Sabi nga, thank you, LORD!

Ang problema nga lang ng madlang people sa Philippines my Philippines ay inuunti-unti tayo ng Shell, Caltex at Petron sa pagbaba ng kanilang produkto at kung maari ay huwag na silang magbaba ng presyo.

Naku ha!

Mabilis silang magtaas ng presyo ng tumataas ang halaga ng langis sa mundo pero sa pagbaba naman ay dapat pa itong iyakan ng madlang people sa Republic of the Philippines.

Ang gobyerno lamang ang makakatulong sa madlang people para ibaba ng tatlong itlog este mali kumpanya pala ng langis ang kanilang prices.

Paano?

Sagot-buksan ang kanilang libro para malaman kung gaano katindi ang kinita nila sa madlang people sa loob ng maraming years.

Basta ang libro nila ang pinaguusapan ay mabilis na nagbababa ng presyo ang big three dahil siguro natatakot silang matuklasan ang katotohanan na ang laki ng tubo nila mula sa people of the Philippines na kumukunsumo ng kanilang products.

Bakit ang small players ay nakakapagbaba ng P2.00 per liter at nauuna pa ang mga ito sa Big Three?

‘Dapat sigurong bakbakan ng gobyerno ang mga ganid na kompanya ng langis na nagpapahirap sa mamamayan pinoy ‘ sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘Dapat lang noh!’

‘Political will lang ang kailangan para sa Big 3.’

‘Makakatulong ba ang gobyerno sa madlang people?’’

Kamote, iyan ang abangan mo!’

ALFA

FEDEX

LSQUO

PAANO

PACKAGE

PEOPLE

PHILIPPINES

SABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with