MASUWERTENG tanging BITAG, Mission X at The Tulfo Bro-thers ang inanyayahan ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA na mag-cover sa isinigawang drug bust operation nitong nakaraang Huwebes.
Ang land at aerial operation sa pakikipagtulungan ng Philippine Coast Guard ay naging matagumpay laban sa mga drug den o shabu tiangge sa Dau, Mabalacat Pampanga.
Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagsanib puwersa kaming apat na magkakapatid (Mon, Ben, Raffy at Erwin) sa larangan ng real reality investigative t.v. na aktuwal na suma-ma sa nasabing operasyon.
Hulog sa bitag ng PDEA at PCG ang halos sampung mil-yong pisong halaga ng high quality shabu, kumbaga sa bigas, first class ang nasabat na ipinagbabawal na gamot.
Eto ang mabentang-mabenta at dinadayo sa shabu tiangge sa Mabalacat, Pampanga kung saan napasok at naidokumento ng isang ahente ng PDEA sa pamamagitan ng kanilang hidden camera ang mga iligal na aktibidades dito.
Sa ipinahiram na surveillance video ng PDEA, kitang-kita ang paglalabas-masok ng mga parokyano sa mga kabaha-yang sikat na drug den sa lugar.
Ang siste, kapag pala bumili ka sa kanila ng ipinagbabawal na shabu, beinte pesos lamang ay puwede ka ng pumuwesto sa loob ng kanilang bahay upang mag-session kasabay ang iba pang parokyano.
Sa kalye lamang, nagawa nang makakuha at makabili ang ahente ng PDEA ng shabu, pinagpapasa-pasahan lamang ito na parang kendi ang kanilang hawak. Patunay na garapalan ang bentahan ng iligal na droga rito.
Nakita rin sa surveillance video na bukod sa mga may edad na o matatanda ay pati mga bata ay nagbebenta at gumagamit rin ng shabu.
Para lamang silang sabay-sabay na kumakain sa hapag-kainan kung pagsaluhan ang droga. Kumpleto ang miyem- bro ng pamilya, may nanay, tatay, anak at pati na rin mga tiyuhin at tiyahin.
Kaya’t sa bisa ng Search Warrant na ipinalabas ng Quezon City Regional Trial Court Branch 104, naikasa ang entrapment/drug bust operation sa isa na namang shabu tiangge sa Luzon.
Sa pagiging aktibo ngayon ng PDEA sa kanilang kampanya laban sa droga, marami pa ang susunod na mahuhulog sa kanilang patibong.
At hindi rin naman tatanggi ang BITAG, Mission X at Tulfo Brothers na suportahn ang kanilang kampanya, gayundin ang magdokumento ng mga katotohanang pangyayari kasama ang mga alagad ng batas na lumalaban sa mga iligal na aktibidades.
Hindi kami katulad ng iba, walang halong drama, katotohanan at tunay na pangyayari lamang ang aming ipinalalabas, namin estilong ipangalandakan ang aming pangalan kung hindi naman talaga kami ang tunay na nagtrabaho at nagdokumento.
Wala kaming pakialam sa salitang eksklusibo, dahil kung sino ‘yung tunay na nagtrabaho ‘yun dapat ang makakuha ng kredito. Hindi tulad ng iba diyan…