^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Libro ng oil companies na maganit magrollback, suriin

-

HINDI na ikinatutuwa ng Malacañang ang gina­gawang kakuriputan ng mga oil companies, partikular ang “Big 3” sa pag-rollback ng gasolina at diesel. Masyadong maganit ang “Big 3” sa kabila na mababa na ang presyo ng crude oil sa world market. Nasa $61 na ang presyo ng crude oil kaya naman tahasang sinabi ng Malacañang na maliit ang papiso-pisong rollback ng Caltex, Petron at Shell. Mula sa mataas na $140 ay bumagsak na nang todo ang crude oil at inaasahang sa 2009 ay magiging $50 bawat bariles. Sabi ng Malacañang, itigil na ng “Big 3” ang ginagawa nilang kapiranggot na pag-rollback sapagkat hindi na ito proportionate sa halaga ng crude oil. Noong nakaraang linggo sinabi naman ni House Speaker Nograles na pinaiikot ng “Big 3” ang taumbayan.

Sa wakas, nagising din ang Malacañang sa gina­gawang hindi makatarungang maliit na rollback sa petroleum products ng “Big 3”. Sabi ng Malacañang, base sa computation ng National Economic Development Authority (NEDA) ang nararapat na presyo ng diesel ay P35.32 bawat litro samantalang ang gasolina ay P40.95. Sa kasalukuyan, ang presyo ng diesel na ibinebenta ng tatlong higanteng kompanya ay P37 ang diesel samantalang P47 naman ang gasolina. Masyado raw mataas ito sapagkat mababa na ang presyo ng crude oil. Noong isang linggo dalawang small-oil players ang nagrollback ng P2 sa diesel at gasolina.

Ngayon lang nagising ang Malacañang sa ginaga­wang “pananamantala” ng “Big 3” at sana naman matigil na ang ginagawa nilang kapiranggot na pag-rollback. Ito na ang tamang panahon para kumilos ang Malacañang at ipabuklat na ang book of accounts ng “Big 3”. Hindi na dapat mag-urung-sulong ang Ma­lacañang sa ginagawang pananamantala.

Laging sinasabi ng “Big 3” na nalulugi sila kaya hindi makapag-rollback nang malaki. Habang ang mga maliliit na kompanya ng langis ay nagro-rollback nang malaki, hindi naman ito magawa ng “Big 3”. Mas nauuna pang mag-rollback ang mga maliliit na kompanya gaya ng Unioil, Flying V at Seaoil.

Kung hindi pa rin mapapasunod ang “Big 3” na mag-rollback nang malaki, ipag-utos na ang pagbuk­lat sa kanilang mga libro. At kung sa kabila na binuklat na ang libro at ayaw pang mag-rollback, ang mga motorista na ang magbigay ng hatol sa kanila. Hu-wag nang tangkilikin ang magaganit na oil companies. Panahon na para sila itakwil.

BIG

FLYING V

HOUSE SPEAKER NOGRALES

MALACA

NTILDE

OIL

ROLLBACK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with